Friday , November 22 2024
rape

Hindi pa tapos ang giyera kontra terorismo may nang-iintriga na? (Rape is a serious matter…)

RAPE is a serious matter. It’s a tragedy to the victim…

Kaya kung sinasabi ng Garbriela Party-list na ipinangha-harass ng mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pananakot sa kababaihan ng Marawi na sila ay gagahasain — masasabi nating ito ay trahedya nang higit sa sampung ulit.

Bagamat naghamon si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Gabriela Party-list na maglabas sila ng ebidensiya kung may nalalaman silang naganap na panggagahasa, e mayroon din siyang tungkulin na magsagawa ng imbestigasyon.

Alam natin na ang ganitong bintang lalo’t lumalabas na ‘hearsay’ ay malaking demoralisasyon sa hanay ng mga sundalong nakikipaglaban at itinataya ang buhay para ipagtanggol ang sambayanan kontra terorismo.

Pero kung hindi naman iimbestigahan, masasabi nating sunod-sunod na trahedya ‘yan para sa mga Maranao lalo sa kababaihan.

Sa panahon ngayon na kabi-kabila ‘kuno’ ang mga pekeng balita, aba, kailangang maging maingat ang mga organisasyong gaya ng Gabriela Party-list sa pagbibitaw ng salita lalo’t ang pinatutungkulan nila ay mga sundalo natin na isinasakripisyo maging ang kanilang pamilya.

Bilang tulong na rin sa ating mga sundalo at sa sambayanan, mas makabubuti kung maglabas ng ebidensiya ang Gabriela Party-list sa sinasabi nilang pananakot ng mga sundalo sa mga kababaihang Maranao.

Pero kung hindi sila makapaglalabas ng ebidensiya, mas makabubuting huwag silang buka nang buka ng bibig sa publiko.

Malinaw naman ang sinabi ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, “I have personally ‘heard’ the stories of women who sought refuge in evacuation centers in Lanao del Norte and Lanao del Sur after government troops threatened to rape them, as encouraged by no less than President Duterte in his public remarks.”

Klaro! Narinig lang niya, hearsay!

Ayon naman kay Secretary Lorenzana, sumailalim sa serye ng gender sensitivity trainings ang mga sundalo na nakatuon sa “participation, empowerment, equity, respect for human rights, freedom from violence, and actualization of fullest human potential.”

O baka naman, gusto ni Rep. Brosas na dalhin sa Kongreso ang isyung ito, at doon igisa ang AFP?!

“In aid of grandstanding” at hindi “in aid of legislation.”

Ganoon po ba ‘yun, Madam Arlene Brosas!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *