Friday , November 22 2024

Justice Secretary Vitaliano Aguirre kinasahan na ni Sen. Ping Lacson

Hindi na talaga nakatiis si Senator Panfilo Lacson, umalma na rin siya laban kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Hinikayat niya ang Senado na kondenahin ang Department of Justice (DoJ) na pinamumunuan ni Secretary Aguirre dahil ibinaba sa Homicide ang inirekomenda nilang murder case laban sa mga pulis na pinaniniwalaang pumatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Matatandaan, nitong nakaraang Marso, inirekomenda ng Senate committee on public order and dangerous drugs na pinamumunuan ni Senator Ping na sampahan ng kasong murder ang mga pulis na pinamumunuan ni Supt. Marvin Marcos, sinabing nagsilbi ng warrant of arrest kay Mayor Espinosa sa loob ng selda sa Baybay, Leyte.

Pero nanlaban umano si Espinosa kaya pinatay ‘este napatay nila. Pero imbes murder, homicide bigla ang inirekomendang kaso ng DoJ kaya ‘matik na nakapagpiyansa at nakalabas ang mga akusado.

At dito nagpupuyos si Senator Ping dahil nabalewala ang ginawa nilang imbestigasyon sa Senado.

Kumbaga parang tinarantado sila ng DoJ?!

Dahil homicide ang kaso, naglagak agad ng piyansa ang mga akusadong pulis para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Mukhang napipinto ang bakbakang Senator Ping at Secretary Aguirre sa mga susunod na araw.

‘Yan ang aabangan natin.

REKLAMO SA 4Ps
SA LANAO DEL SUR
(ATTN: DSWD SEC.
JUDY TAGUIWALO)

MAGANDANG araw po Sir, irereklamo ko po sana ang 4Ps sa lugar namin sa Lanao del Sur na pag kinukubra po namin ay binabawasan po nila ng ¼. At pag hndi nakapunta ang member ng 4Ps sa oras ng pagkuha ng sahod hndi na po namin nakukuha ang pera. Saan po ba napupunta ‘yun? Hiling po ng nakararaming members ng 4Fs sana po ay maibalik sa cash card para po hindi na kami namomroblema pag hindi namin napuntahan agad para naman po ‘yung sa mahihirap binabawasan pa. ‘Wag po ipakita ang # ko.

+63921601 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *