MABABAGO ng kandila ang iyong mood sa dalawang paraan. Una, pinati-tindi nito ang fiery chi sa atmosphere. Ito ay mapwersang nangyayari dahil ang fire chi ay inihahatid ng liwanag at sa lesser extent sa pamamagitan ng init. Pa-ngalawa, sa pagmamasid sa tumutulong kandila, at pag-transform mula sa gas patungo sa pagiging apoy, ikaw ay parang nahihipnotismo.
Ang paggamit ng kandila ay maaaring ma-ging stimulating experience at mararamdaman mo nang higit ang iyong emos-yon.
Ang kandila ang pinaka-yin na porma ng liwanag. Nagdudulot ito ng soft orange light at may bentahe dahil hindi ito nagdudulot ng EMF ng electric lighting. Ang tipo ng liwanag na ito ay ideyal kung nais mong makalikha ng soft, romantic atmosphere. Sa punto ng limang elemento, ang kandila ay may kaugnayan sa fire chi.
Kailangang sindihan ang kandila upang lumabas ang epekto nito, ngunit ti-yaking hindi mo ito iiwa-nang nakasindi kung walang tao sa loob ng kuwarto. Ang kalahating oras na pagsindi ng kandila ay sapat na.
Upang higit maging expressive, outgoing and social, maglagay ng mara-ming kandila sa southern part ng inyong bahay. Pinalalakas nito ang southern chi, at nakatutulong sa pagbabago ng iyong emotional state.
ni Lady Choi