Friday , November 15 2024

Umiwas sa bisyo pamilya’y mahalin

SINASABI na kapag palakasan o kapag isang atleta ang pinag-uusapan, malamang na malinis ang pamumuhay nito – sa pisikal na aspekto.

Iniidolo ng marami lalo na kapag sikat ito o malakas maglaro.

Tingin din ng nakararami sa malakas na atleta ay malinis sa lahat, walang bisyo o kung uminom man ay disiplinado. Higit sa lahat ay malamang na hindi gumagamit ng ilegal na droga. Katunayan marami ngang atleta na kinukuhang endorser para sa isang produkto na may kaugnayan sa pangangalaga ng kalusugan.

Pero nakalulungkot ang napaulat kahapon hinggil sa dating iniidolo ng marami sa larangan ng basketball. Oo ang pagkakaaresto kay dating PBA player na si Paul Alvarez.

Dinakip si Alvarez ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) dahil sa paggamit ng shabu. Naaktohan si Alvarez at dalawa pa sa loob ng isang barber shop sa Quezon City. Katunayan, aarestohin lang sana si Alvarez sa bisa ng warrant of arrest kaugnay sa kasong kinahaharap nito sa Quezon City Regional Trial Court pero hayun maging ang ilan sa umarestong pulis ay nagulat o hindi makapaniwala sa nakita nang arestohin nila si Alvarez.

Inidolo pa man din siya ng ilang pulis hindi lang noong kalakasan niya sa PBA kundi magpahanggang ngayon.

Ngayon ano ang punto natin sa pagsusulat hingil sa pagkakadakip kay Alvarez?

Ops… linawin natin ha. Hindi kasong pagtutulak ang kinasangkutan ni Alvarez kundi paggamit ng shabu. Malaki ang kaibahan ng pagtutulak sa paggamit.

Ang pagkadadakip kay Alvarez ay patunay pa rin na talamak pa rin ang bentahan ng droga sa kabila ng mahigpit na kampanya ng gobyernong Duterte laban sa droga.

Batid naman natin na marami nang naaresto at napatay nang sinimulan ang giyera laban sa droga – ang Oplan Tokhang ng PNP pero tila wala pa ring takot ang mga tulak sa pagbebenta… maging ang mga user ay wala ring takot sa paggamit kahit batid nila na kasamaan lang ang mapapala sa droga.

Kaya, bago maging huli ang lahat, ang bawat mamamayan ay maging mapagbantay. Suportahan natin ang kampanya ng gobyerno/PNP laban sa droga. Oo nga’t parang suntok sa buwan ang kampanya pero ang bawat kooperasyon ng bawat isa sa kampanya ay napakahalaga para masugpo ang droga. Hindi man masugpo ay malaking tulong ang bahagi natin sa pagbibigay impormasyon na maaaring daan ng pagbaba ng problema sa droga.

‘Ika nga, huwag na natin hintayin pang mabiktima ang mga mahal natin sa buhay. Hindi porke nandiyan ang PNP ay sila na lamang ang kumilos. Mali po, kundi ang lahat ay may resposibilidad hindi para sa ating sarili kung hindi para sa susunod na henerasyon.

Uli, huwag na natin hintayin pang mabiktima ang malalapit sa puso natin tulad ng nangyari kay Alvarez kundi ipaalam agad sa awtoridad kung may kilala kayong tulak o user. Tandaan sa bawat pagtuturo ng user, pusher ang nasa likod nito.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *