Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robin at Zia, seryoso na sa kanilang relasyon

KAPAG nagkatuluyan sina Robin Nievera at Zia Quizon, magiging mag-balae sina Pops Fernandez at Zsa Zsa Padilla.

Yes, Ateng Maricris matagal ng magkarelasyon ang panganay nina Martin Nievera at Pops at nag-iisang anak nina Zsa Zsa at ang pumanaw na si Mang Dolphy.

Mukhang discreet naman sina Robin at Zia sa kanilang relasyon dahil noong i-check namin pareho ang kanilang Instagram ay wala kaming nakitang litratong magkasama silang dalawa o masasabing public display of affection o PDA katulad ng ibang celebrities.

Ang running joke nga kapag ikinasal ang dalawa ay magpapatalbugan ang dalawang diva na sina Pops at Zsa Zsa sa kanilang mga isusuot.

Balik-tanong nga namin sa aming source ‘kung magkakatuluyan. “Too early to tell pa.”

Mabilis na sagot sa amin, “sila na talaga, seryoso at both families naman ay gusto sila. Mukhang sila talaga in the end.”

Maganda kung ganoon kasi katulad ni Zsa Zsa na engaged na last year kay Conrad Onglao pero biglang hindi natuloy ang kasal at nagkahiwalay.

Pero ngayon ay happy na ulit si Zsa Zsa dahil sila na ulit ni Conrad na hindi pa namin alam kung kailan ang kasal.

“Basta ‘wag lang mauna sina Robin at Zia, ha, ha, ha,” biro sa amin ng aming source.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …