Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza, rarampa na sa Sabado bilang Miss Universe

CONFIDENTLY beautiful. ‘Yan na nga ang ating naging Miss Universe (2015) na si Pia Wurtzbach na maghahatid ng kanyang life story sa episode ng MMK (Maalaala Mo Kaya) sa Sabado (June 3) sa Kapamilya.

Ang isa pang confidently beautiful with a heart na si Liza Soberano ang napisil na gumanap sa katauhan ng beauty queen na idinirehe ni Nuel Naval mula sa saliksik at panulat ni Benjamin Benson Logronuo.

Ang mga makaka-eksena ni Liza ay sina Krystal Krooks as Young Pia, Erin Ocampo as Sarah, Lily Yulosa as Young Sarah, Zsa Zsa Padilla as Cherryl, Lee O’Brien as Uwe (Klaus), Fifth Solomon as Harley, Roider Camanag as Jonas, Hanna Ledesma as Malou, Michelle Vito as Bea Alonzo, at Heaven Peralejo as Angeline Aguilar.

Mas makikilala si Pia sa paghahatid ng mga highlights ng kanyang buhay mula sa pagiging astig na nito noon pa lang maliit siya nang maghiwalay ang mga magulang niya.

Kung paanong narating ng may Visayan accent na beauty ang kinalalagyan sa ngayon ang hatid ng MMK para patuloy na magbigay ng inspirasyon sa marami.

It comes in threes, ‘ika nga. Ikatlong attempt niya sa Binibini ang naghatid sa kanya ng korona para tanghaling pinakamagandang babae in the whole Universe.

Samantala, ang gaganap na bilang Darna na si Liza naman ay wala sa hinagap na sumali sa anumang beauty pageant. She is confidently beautiful with a heart in her own skin.

Pero lilipad din siya!

ni PILAR MATEO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …