Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erika Mae Salas, sumabak na rin sa acting workshop kay Ogie Diaz

PATULOY sa paghataw ang showbiz career ng promising young artist na si Erika Mae Salas. Sa ngayon, bukod sa pagkanta ay hinahasa na rin ni Erika Mae ang kanyang talento sa pagsasayaw at pag-arte.

“Privileged po kaming si Tito Ogie Diaz mismo ang acting coach po namin. Umaga na po kami natapos sa acting workshop namin kay Tito Ogie, wherein noong hapon po we were lucky to have Ms. Liza Soberano at Enrique Gil sa workshop. Naku! Ang saya-saya po namin.

“Iyong dance workshop naman po namin sa G Force, weeklong po ‘yun. Tapos na rin po kami at may recital kami,” panimula ni Erika Mae.

Ano ang natutuhan mo sa acting workshop?

Saad niya, “Ay marami po, sulit po ang dalawang araw na intense workshop na ginawa namin at the same time po, nag-e-enjoy po ka-ming lahat dahil parang family po kami roon. Marami po kaming fun moments with coach Ogie, pero during lessons po ay serious lahat.

“There’s a lot to learn po kung talagang hilig mong mag-artista. We learned how to laugh, cry, matakot, magalit na mata lang po ang ginagamit. Fascinating po dahil sa iba’t ibang emotions na ipinapagawa sa amin,” aniya.

So, mas naging confident ka ba dahil sa workshop at kaya mo na ang sumabak sa pag arte? “I can say mas na-appreciate ko po ang akting nga-yon, but definitely may mga acting workshops pa pong susunod. Hindi naman po natutuhan ‘yun nang two days lang. This time po more focus na ako, dati po kasi parang laro-laro lang.

“Nag-workshop na po kasi ako noon sa Starmagic po, when I was 12. Nag-kids’ basic acting lesson po ako. Tapos noong 13, teens introductory po, pero hindi ko tinapos dahil nag-focus po ako sa singing.”

Paano mo ide-describe si Ogie as acting coach? “Maide-describe ko po si Sir Ogie bilang isang imaginative na tao. Kasi po madali po siyang makaisip ng isang scenario at ano-ano ang components na kailangan para sa scenario na iyon.

“Ang naalala ko pong sinabi niya sa amin, ‘Never stop learning, stop learning when you’re already dead,’ Iyan po palagi ang sinasabi sa amin ni Coach Ogie.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …