Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item

Beteranang aktres, nantuso raw ng balikbayang kaibigan

KUNG tutuusi’y hindi na bago ang kuwentong ito tungkol sa isang beterang aktres.

May “sequel” kasi tungkol sa pagiging tuso niya. Kamakailan ay nakipagkita sa kanya ang isang balikbayan friend, bitbit nito ang pitong iba’t ibang panindang branded bags.

Ang siste, nang mailatag na ng negosyante ang kanyang mga kalakal ay walang kaabog-abog na dinampot ng aktres ang isa roon.

Hindi pa siya nakuntento, binitbit din niya ang anim pang branded bags. Ang sabi’y ibebenta niya ‘yon.

Dumaan ang ilang araw. Asang-asa ang negosyante na sa anim na bags ay may naibenta man lang kahit ilang piraso ang katransaksiyon niya.

Kaso, nang muling magpakita sa kanya ang aktres ay isinauli ang mga ‘yon, pero kulang ng isa. ”Naku, limang bag lang ‘yung kinuha ko sa ‘yo!”halos makipagpatayang giit nito.

Pero natuklasan ng negosyante na ‘yung missing bag ay nasa ibang tao na, na-trace ‘yon dahil sa serial number.

Pero kung inakala n’yong napahiya ang showbiz personality dahil sa pandaraya niya, nagpalusot na lang ito na babayaran na lang niya ang bag na ‘yon.

Da who ang aktres? Itago na lang natin siya sa alyas Dahlia Romulo.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …