Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Celebrity-mentality’ ng bodyguards ni Korean actor Kim Soo Hyun dapat bigyan ng aral!

TOTOONG tayong mga Pinoy ang pinaka-hospitable mag-host ng isang bisita lalo na kung mga dayuhan.

Ayaw na ayaw nating may masasabing negatibo ang bisita kaya nga noong araw pati sariling papag ibinibigay sa bisita at sa sahig natutulog ang may-ari ng bahay.

Naalala natin ito dahil sa insidenteng naganap nitong nakaraang araw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang dumating ang Korean actor na si Kim Soo Hyun.

Tila nagkagirian ang bodyguards ni Kim Soo Hyun at ang media airport in-house reporters.

Humantong pa sa pagbabanta ng bodyguards ng Korean actor na sisirain umano ang cellphones, iPod touch at iba pang electronic gadgets ng newsmen kapag ipinagpatuloy ang pagkuha ng video.

Wattafak!?

Aba ibang klase pala ang hangin sa tuktok nitong aso ‘este bodyguards ng Korean actor?!

Sila ang nandayuhan pero sila pa ang arogante at hindi nag-oobserba ng kultura ng bansang pupuntahan nila?!

052517 NAIA kim soo hyun

Sukdulan pala ang utak-celebrity ng mga kamoteng bodyguard ng Korean actor!

Mantakin ninyong ang napili pang-i-bully ng mga bodyguard ni Kim Soo Hyun ay mga beteranong reporter na sina Raoul Esperas ng DWIZ at ABS-CBN stringer; Jeanette Andrade ng Phil. Daily Inquirer; Ariel Fernandez, GMA stringer at si Jojo Sadiwa, isa pang Airport in-house media?!

Bago kasi umabot sa Immigration area, kumuha ng konting video footages ang mga airport reporter na hindi minabuti ng kanyang bodyguards.

Nagulat siguro ang mga bodyguard ng actor kaya naging overacting ang kanilang reaksiyon.

Anyway, wala namang masama kung nakiusap sila na huwag munang kunan ng video footages ang Korean actor, hindi iyong tila makikipagbabag na sila.

At kung ayaw nila makunan ng video o photo ang amo nilang Koreano, dapat doon nila idaan ‘yan sa rampa!

Kung tutuusin, ‘mabait’ pa nga ang Immigration official sa kabila na parang nagiging unruly ang bodyguard ng foreign actor.

Ipinaliwanag lang sa kanila ang karapatan ng Airport media at hindi na sila ‘pinatikim’ ng sanction.

E baka kung sa kanila nangyari ‘yan malamang sumakit ang ulo ng dayuhang masasangkot sa ganyang insidente sa kanilang bansa.

Dito sa ating bansa, parang lumalabas na nagpapaliwanag pa ang Immigration official.

Iba talaga ang kultura ng mga taong nag-iisip na lagi silang inferior sa ibang lahi.

Sila na ang naagrabyado, sa huli, sila pa ang magso-sorry. Tsk tsk tsk…

Aba, kung ayaw nilang pinagkakaguluhan ang mga aktor nila sa ibang bansa, huwag na silang lumabas ng Korea!

Kakaiba kayo ha!

PAGLILINAW NG MIAA
MANAGEMENT
RE: MID-YEAR BONUS

070316 miaa naia

KAAGAD inilinaw ng MIAA Office of the GM, ang isyu tungkol sa hinaing umano ng airport employees na kalahati lang ang natanggap nilang mid-year bonus.

Ito ay ibinigay na kompleto at walang bawas sa mga empleyado, ayon sa isang MIAA official na nakausap natin.

Well & good!

Tapos ang usapan.

TAMA ANG DISKARTE
NI PRES. DUTERTE

052517 Marawi Maute

Dear Sir Jerry:

Hindi kailangang resolbahin ang kaguluhan sa Marawi sa pamamagitan ng Martial Law ‘yan ang ipinarating ni Renato Reyes, secretary-general ng grupong Bayan.

Aniya may sapat na kakayahan, kapangyarihan at abilidad ang gobyerno upang malutas ang problema na hindi na kinakailangan ng Martial Law.

Kinokondena umano nila ang ginagawa ng Maute Group at dapat mawakasan ito sa ilalim ng umiiral na batas ng gobyerno. Giit niya maaaring lalong maabuso ang karapatang pantao.

Inihambing niya ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police noon at ngayon na aniya ay pareho pa rin nang dati na maaaring umabuso sa batas.

Hindi makatuwiran ang mababaw na dahilan na ito ng grupong Bayan.

Una malaki na ang ipinagbago ng AFP at PNP noon sa kasalukuyan.

‘Wag sanang gawing basehan ang nakaraan, bagkus ay tingnan ito bilang mas mainam na solusyon.

Kung tunay nga na naniniwala si Mr. Reyes at ang Bayan sa AFP hayaan nila na dumiskarte ang gobyerno.

Iba na ang administrasyon noon sa ngayon, iba na ang batas na maaaring kaharapin ng mga sundalo at pulis noon kompara sa ngayon.

Kaya Mr. Reyes, ‘wag ninyong ipagdiinan na parang alam n’yo ang lahat. Tandaan natin na ‘yung mga ‘guilty’ lang ang aayaw sa Martial Law partikular ang target ng pangulo ay ‘yung mga armadong grupo.

— Romel Gablan Quezon City
[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *