Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Nilamon na ba ng burak ang ‘lalim’ ni Ms. Leah Navarro!?

SUMIKAT si Ms. Leah Navarro sa kanyang mga awitin tampok ang Saan Ako Nagkamali at Isang Mundo Isang Awit.

Hindi na natin puwedeng tawaran ‘yan, history na ‘yan.

Hanggang mapasama siya sa grupo ng mga ‘artist’ na umeepal ‘este nakikilahok sa mga usaping politikal sa bansa.

Noong una ay nakikita pa natin ang pagiging obhetibo ni Ms. Leah sa kanyang mga puna. Hindi lang bilang isang artist kundi isang ‘malayang mamamayan.’

Pero simula nang ilunsad ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang kanyang giyera kontra droga, tila nawala na sa wisyo si Ms. Leah.

Ang pinakahuli nga niyang puna, itong nangyari sa Marawi City.

Sa Post niya sa kanyang Twitter: “Habang may sagupaan sa Marawi, NASAAN ANG PANGULO? Nasa Russia nagpapakyut kay Putin. Pweh!”

052617 leah navarro Putin Duterte

Sinundan pa niya ito: “When the people of Marawi need him most, NASAAN ANG PANGULO? Akala ko mahal niya ang Mindanao. Ayan puno na ng terorista.”

Hindi natin akalain na ganito na pala mag-isip si Ms. Leah. Winasak na ang kanyang pag-aanalisa nang sobra niyang pagkiling sa grupong dilaw.

Okey lang naman kung mayroon talaga siyang biases, pero dapat naman, nag-iisip din siya nang tama.

Lalo tuloy tayong nagdududa na ang biglang paglusob at pagsulpot ng teroristang Maute Group sa Marawi ay sabwatan ng mga utak-pulbura, mga Amboy na dilawan at dayuhang panghihimasok.

Siyempre hindi papayag si Uncle Sam na makipagmabutihan ang Filipinas sa mga bansang sosyalista gaya ng China at Russia.

Ayaw ni Uncle Sam na mapagtibay ng mga Filipino ng punto de vista na ayaw nilang magkaroon tayo ng ibang kaibigang malalakas na bansa para tayo ay patuloy na nangangayupapa sa barya-baryang tulong na ipinauutang nila.

At diyan pumapasok ang papel ng mga gaya ni Ms. Leah Navarro at ng iba pa na takot na takot mawala ang Amerika sa hanay ng mga bansang nagsasamantala sa atin.

‘Yun bang tipong, maibuka lang ang bibig kahit hindi na nag-iisip!?

Simple lang naman, kung alam kaya ni Tatay Digong na aatake ang mauten ‘este Maute, aalis pa siya ng bansa?

Common sense lang ‘yan, Ms. Leah!

Kung talagang nagmamalasakit sa bayan si Ms. Leah, ang dapat niyang isipin, sino ang nagpakana ng nasabing gulo sa Marawi na itinapat pa sa biyahe ng Pangulo sa Russia para selyohan ang ‘pagkakaibigan’ natin sa Russia.

Wattafak?!

Esep-esep ka rin Ms. Leah!

TAHIMIK NA PROTESTA
NG BI EMPLOYEES

NAGSUOT ng red armband ang mga Immigration Officer (IO) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) hindi para magprotetsa kundi upang maipaabot kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang kanilang kalagayan matapos tanggalin ang kanilang overtime pay. Mahigit sa libong pasahero ang dumarating at umaalis sa bansa ngunit patuloy pa rin nilang ginagampanan ang kanilang tungkulin kahit marami sa kanila ay naka-leave habang ang iba ay nag-resign at lumipat ng trabaho upang matugunan ang pangangailangan ng pamilyang sa kanila ay umaasa. (JSY)
NAGSUOT ng red armband ang mga Immigration Officer (IO) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) hindi para magprotetsa kundi upang maipaabot kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang kanilang kalagayan matapos tanggalin ang kanilang overtime pay. Mahigit sa libong pasahero ang dumarating at umaalis sa bansa ngunit patuloy pa rin nilang ginagampanan ang kanilang tungkulin kahit marami sa kanila ay naka-leave habang ang iba ay nag-resign at lumipat ng trabaho upang matugunan ang pangangailangan ng pamilyang sa kanila ay umaasa. (JSY)

Nitong nakaraang linggo, tuluyan nang binasag ng Buklod ng mga Manggagawa (BUKLOD) ng Bureau of Immigration (BI) maging ng Immigration Officers Association of the Philippines (IOAP) ang kanilang pananahimik matapos ipag-utos sa kanilang mga miyembro ang pagsusuot ng pulang armband bilang sagisag ng kanilang kilos-protesta sa pagbabalewala ng pamahalaan na tugunan ang kanilang mga hinaing tungkol sa karagdagang sahod at karampatang benepisyo na matagal nang iniuungot sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang ilang ulit nang nangyari ang pakikipag-dialogo ng dalawang kampo sa ilang emisaryo ng Malacañang pati na sa panig ng Department of Bweset ‘este Budget and Management para aksiyonan ang kanilang hiling na ibalik ang nawalang overtime pay o ‘di kaya ay magkaroon ng ibang alternatibo para magkaroon ng karagdagang kita ang mga miyembro.

Simula ng i-veto ni Pangulong Duterte ang ilang probisyon tungkol sa pagpasok ng Express Lane Funds sa National Treasury ay tila hindi pa rin makapagbigay ng tamang solusyon ang Malacañang sa nasabing problema.

Sa isang manifesto na magkasamang nilagdaan ng BUKLOD at IOAP ay tuluyan nang pinahintulutan ng dalawang asosasyon ang pagsusuot ng red armband bilang simbolo ng tahimik na protesta para iparating sa mga opisyal ng pamahalaan partikular kay Pangulong Duterte ang mga hinaing ng buong kagawaran.

Bagamat ganito na ang naging aksyon nila, siniguro ng dalawang presidente ng assosasyon na sina BUKLOD prexy, Atty. Gregorio Sadiasa at ni IOAP president Er German Robin na patuloy pa rin ang pagbibigay serbisyo sa publiko ng lahat ng mga miyembro ng samahan.

Sana naman ay tuluyan nang pakinggan ng Malacañang ang simpleng pagpapapansin ng Bureau sa kanilang adhikain.

Hihintayin pa ba ng kasalukuyang administrasyon na umabot pa sa mas malalang aksiyon bago pa sila matauhan!? At para naman sa tatlong commissioners ngayon ng Bureau na sina Commissioners Jaime Morente, Tobias Javier at Aimee Torrefranca-Neri, best efforts pa po mga bossing.

Ang pagbibigay ng win-win solution sa malalang problema ng ahensiya ang inyong magi-ging legacy, hindi lang para sa lahat ng kawani ng kagawaran. Kasama rin po rito ang kanilang mga pamilya!

Hindi lang sa NAIA kundi sa lahat ng airports and sub-ports sa buong bansa ipinag-utos ang pagsusuot ng pulang armband.

Naging excited daw ang lahat dahil noon pa gigil na gigil ang lahat ng mga miyembro ng BUKLOD at IOAP na gamitin ang pulang retaso na matagal na nilang inihanda para sa naturang pagkilos.

Para sa kanila ay hindi masama ang pagpapakita ng ganitong ‘gesture’ dahil silent protest lang naman ito. Hindi naman daw ito gaya ng ginagawang protesta ng ibang unyon na talagang ‘pinaparalisa’ ang takbo ng buong operasyon.

‘Yun lang po!!!

MPD BAGMAN
MALAKAS
MAGPATALO
SA CASINO

KA JERRY, kompirmado po expose n’yo kay PO1 Buwong sa pagka-casino sa Grand Opera. Dami niya nabubukulan sa laki ng kolektong nya. Tres, dos at city hall hawak n’ya. Ngtataka nga kami bakit malakas sa taas ‘yan. Malaki cguro mghatag.

+63917660 – – – –

KALAHATI LANG
ANG MID-YEAR BONUS
— MIAA EMPLOYEES

SIR JERRY, sana mapa-check bakit kalahati lang mid-year bonus naming airport emplo-yees? Saan napunta ‘yung kalahati? Nakatkong ba ng provident? Malaking tulong sana sa pa-milya namin kung nabuo iyon.

+639168499 – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *