Monday , November 25 2024

Mindanao atrocities panggulo sa pulong nina Duterte at Putin

BLACKOUT.

Wasak ang ilang estruktura at pasilidad na kinabibilangan ng St. Mary’s Church, city jail, ang Ninoy Aquino school at ang Dansalan college.

Bukod diyan, nagkalat umano ang mga sniper ng Maute Group sa Marawi City.

Kaya takot na takot ang mga mamamayan ng Marawi City ngayon.

At ‘yan ang dahilan kung bakit sa loob ng 60 araw ay isinailalim na ang buong Mindanao sa martial law ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte dakong 11:00 nakaraang Martes ng gabi.

Nagdesisyon din ang Pangulo na agad umuwi ng bansa, dahil sa matinding pag-aalala sa nagaganap na karahasan at pagpatay sa Marawi City na ang itinuturong may kagagawan ay mauten ‘este Maute Group.

Sabi nga ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, prayoridad ng Pangulo ang kaligtasan ng bansa.

Gayonman magpapatuloy pa rin umano ang ginaganap na bilateral talks sa Russia pero hindi na mananatili ang Pangulo ngayong 24 Mayo hanggang bukas, dahil mauuna na siyang umuwi.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, marami nang pasilidad ang sinunog ng Maute at hindi nila papayagan na magpatuloy ang kaguluhan.

Inilunsad umano ng Maute ang street fighting at kinontrol ang main street sa Marawi City. Kaya nangangamba ang mga residente na baka magsagawa ng indiscriminate firing ang mga sundalo lalo’t hindi nila kilala ang mga residente sa nasabing lugar.

Sa social media, maraming netizens na Islam ang nakikiusap sa Pangulo na ilikas muna ang mga mamamayan sa Marawi City bago maglunsad ng atake laban sa Maute Group.

Malamang mangyari na naman ang paulit-ulit na karanasan sa mga ganitong insidente, na ang isang buong komunidad ay nagiging casualty sa bintang na ‘ikinakanlong’ nila ang mga teroristang grupo.

At maaaring totoo ang ulat na walang lumalabas sa kanilang mga tahanan sa takot na sila ay mapagkamalang miyembro ng Maute Group.

Paano kung pasukin ng sinasabing Maute Group ang tahanan ng mga sibilyan?

God save Marawi city…

Hindi malayong isipin ng militar na ikinakanlong sila ng mga mamamayan kaya ilulunsad nila ang opensiba sa buong komunidad.

Tsk tsk tsk…

History repeat itself?

Sa isang banda gusto rin natin bigyan ng puwang ang pagdududa na hindi kaya operasyon ito ng Central Intelligence Agency (CIA)?

Ginulo ang Mindanao para guluhin ang pag-uusap nina Digong at Vladimir Putin ng Russia?

At sinakyan naman ng ilang utak-pulbura sa military sa pamamagitan ng pagre-reinforce ng military sa buong bansa patungo sa Mindanao?

Malaking gastos ang giyera, lokal man o interbensiyon ng mga dayuhan.

Hindi ba puwedeng paganahin muna ang ISAFP bago magdesisyong iimbuwelta ang puwersa ng militar laban sa mga ‘bayarang’ Maute Group?!

Hindi ba’t kagulat-gulat na wala man lang bang ‘hint’ ang military na may namumuong pagkilos ang ‘Maute Group’ kuno bago tumungo ang Pangulo sa Russia?

Kahina naman ng Intel gathering nila? Kulang ba sa Intel fund?

Nagtataka lang po tayo.

Nagkataon lang ba ang senaryong ito o sinasadya?! Ano sa palagay ninyo, mga suki?

HANGA KAY PD30

SIR Jerry, nakatutuwa naman sa ibang bansa pa tatanggap ng honorary degree ang ating pangulong Duterte matapos niyang tanggihan ang parangal mula sa UP.

+63198919 – – – –

GALIT SA MGA MAMBABATAS

GOOD am Ka Jerry, ‘yan mga mambabatas natin dapat i-firing squad. Kasi ang mga batas na ginagawa ay pahirap sa taongbayan. May batas ba silang ginawa na gumaan ang buhay ng Filipino?

63915438 – – – –

ASAR SA LTFRB
BOARD MEMBER

Sir ‘yan si LTFRB board member Lizada puro dakdak at pabida kay Duterte. Pati Rosaryo pinag-iinitan. Sagabal daw. Ayusin nga muna ninyo ang trapik at kolorum bago nila pakialaman kaming mga driver. Bweset!

+63916595 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *