Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item

Sikat na aktres, never hiniwalayan ng long time partner kahit ilang beses nakipagrelasyon sa iba

“NAG-IISA lang talaga si (pangalan ng aktres)! Siya lang at wala ng iba!” Ito ang ipinagdiinan ng aming source nang ibalitang nai-involve ang isang sikat na aktres sa ibang lalaki other than her partner of many years.

“Ano bang suwerte ang ibinigay sa kanya para malaya niyang gawin ang pakikipagrelasyon sa ibang guy nang hindi siya hinihiwalayan ng dyowa niya? At ano rin bang kamalasan mayroon ang dyowa niya para magkaroon ng partner tulad ng aktres na ‘yon?” sunod-sunod na tanong ng aming impormante.

Ang kuwento, kamakailan ay bumiyahe sa ibang bansa ang aktres kasama ang kanyang long-time partner. Pero kamukat-mukat mo, nakalipad na rin pala ahead of time ang bagong iniuugnay sa aktres na kilala sa showbiz circle.

Hindi tuloy maiwasang magtaka ang marami kung paano nalulusutan ng aktres ang ganoong eksena. Dagdag komento pa ng aming source, “Bilib din naman ako sa dyowa ng aktres na ‘yon. Minsan na siyang na-involve sa isang matangkad na aktor noon pero parang balewala lang ‘yon sa dyowa niya. At nasundan pa ‘yon, ha? Ibang guy naman ang na-link sa aktres!”

Da who ang aktres na ito? Itago na lang natin siya sa alyas na Bernadette Garrucho. (Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …