Monday , December 23 2024

Hintuturo ni EX-DoTC Sec. Joseph Abaya humahaba sa katuturo kay Mar Roxas

NOW it can be told.

Parang ‘yan ngayon ang gustong sabihin ni dating Department of Transportation and Communications (DoTC) Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Pabaya ‘este’ Abaya.

Ngayon ay walang gatol niyang sinasabi na ang inabutan niyang mga kontrata at proyekto ng MRT/LRT ay inaprubahan at ipinatutupad na ng mga sinundan niyang kalihim kaya ipinagpapatuloy lang niya.

At malinis ‘daw’ ang mga proyektong ‘yun, ayon kay Abaya.

“I guarantee you that no one made money out of this. There is no truth to the allegations (that the Dalian train purchase is shrouded by corruption). All these actions are aboveboard and our conscience is clear. I can answer the Lord and tell him that we did our jobs well.”

‘Yan ang walang gatol na pahayag ni Abaya sa public hearing kamakalawa na isinagawa ng Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Senator Grace Poe.

Kapag nababasa natin ang profile nitong si ex-Secretary Abaya sa Wikipedia ay talagang napapabilib tayo sa kanyang talino.

Pero bakit hindi siya magaling?!

Bakit kayang-kaya siyang paikutin ng isang kagaya ni Mar Roxas kung sinasabi niyang sinapo lang niyang lahat ang mga proyektong ‘yan sa mga nagdaang kalihim?!

Heto pa, paano tayong maniniwala na walang kumita riyan kung ang nanalo sa bidding ay isang bagong-bagong kompanya na ang paid-up capital ay P650,000 pesos lang, pero nakakuha ng P600-milyones na kontrata sa MRT/LRT?!

Wattafak!?

Mismong si Sen. Grace Poe ay nagsasabi na ‘yung isang incorporator na si Marlo de la Cruz na kasama sa mga nananalo sa mga bidding ay napakaliit ng capital pero may mabibigat na koneksiyon sa mga dating opisyal ng DoTC.

Si Dela Cruz na nga ba ang susi sa kuwestiyonableng transaksiyones sa DoTC kung kaya’t siya ay nagtatago at hindi humaharap sa hearing na ipinatatawag ng Senado!?

Inamin din ni Abaya na si Dela Cruz ay aktibo noong nakaraang presidential campaign.

Incorporator si Dela Cruz ng PH Trans and Busan, ang kasalukuyang MRT maintenance contractor.

Tsk tsk tsk…

Sa ating palagay, si ex-secretary Abaya ay hindi lang namomolitika sa kanyang mga kapartido.     Mas nakikita natin sa kanya na siya ay likas na pabaya…

Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *