Monday , November 25 2024

‘The great depression’ sa Bureau of Immigration (BI)

Damang-dama na ang malungkot na atmosphere ngayon sa Bureau of Immigration (BI).

Kung noon ay maaliwalas ang pagmumukha ng mga empleyado, ngayon naman daw ay bakas na bakas ang matinding stress sa mukha nila at ang bigat ng kanilang mga paa habang naglalakad pagpasok sa opisina.

Malaking enerhiya ang nawala sa kanila at halata ang mabigat na pakiramdam na dinadala ng bawat isa!

Mantakin n’yo naman, halos apat na dekadang tumagal ang “legacy” na pagbibigay ng overtime pay ni Senadora Miriam Defensor Santiago noong naging Immigration commissioner siya pero sa isang iglap ay naglaho itong parang isang bula!

Malaking pinsala ito sa kabuhayan ng mga empleyado at sa kanilang pamilya.

Isipin na lang na papalapit na ang pasukan at kailangan na namang magmatrikula ng mga anak nilang estudyante.

Paano kung may mga anak na papasok sa kolehiyo o ‘di kaya naman ay mga hayskul na nasa pribadong paaralan?

Aside sa matrikula, siyempre kailangan rin nilang bumili ng mga libro, uniporme at school supplies.

Matugunan pa kaya ito ng mga empleyado kung ang suweldo ng isang nagtatrabaho sa Bureau of Immigration ay kulang pa para sa araw-araw na pasahe nila?!

Kung sakaling ang matrikula ay mabayaran, paano naman ang arawang baon at pasahe papasok at pauwi sa eskuwela?

Susmaryosep!

Kung bata ka pa at may pagkakataon na lumipat at maghanap ng ibang pagkakakitaan, tiyak na hindi magtitiyaga sa naturang ahensiya ang isang empleyado!

Sa ngayon ay hindi kukulangin sa 400 empleyado umano ang nag-file ng leave of absence. Majority sa kanila ay tuluyan nang nag-resign habang ang iba ay nagbabalak mag-resign na rin dahil hindi na nila kayang ‘sumayaw’ sa umiiral na bagong sistema sa Bureau kompara sa estilo ng kanilang pamumuhay.

Karamihan sa kanila ay mga bata pa at may pagkakataon pa na mag-apply sa pribadong sektor.

Ang iba naman ay naisipan na mangibang bansa,  baon ang mapait na karanasang sinapit sa pagtatrabaho nila sa ahensiya!

Hay naku!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *