‘YAN ang paasa ‘este pangako ng Office of the Ombudsman para hindi na raw maabuso ang paggamit ng mga politiko sa Aguinaldo Doctrine.
Sa ilalim ng Aguinaldo Doctrine, inaabsuwelto nito ang isang public official sa administrative liability kapag sila ay muling nahalal sa puwesto kahit may kaso.
Hindi natin alam kung paniniwalaan natin ang pronouncement na ito ng Ombudsman.
Sa sariling karanasan ng inyong lingkod, matapos nating magsampa ng reklamo laban sa ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) na ilegal na umaresto sa atin noong 5 Abril 2015, araw ng Linggo (Easter Sunday) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa asuntong Libel, e wala na tayong nabalitaan at narinig sa Ombudsman kung ano na ang nangyari sa kaso.
Natulog nang tuluyan!?
O nasa basurahan na?!
Gusto tuloy natin tanungin kung may ‘Madam Lerma’ ba sa Ombudsman?!
Gaya ng kaso laban kay dating Palawan Governor Joel Reyes, hinggil sa fertilizer scam, anyare?!
Absuwelto si Reyes dahil nakantahan ng ‘lullaby’ ang kasong ‘yan sa Ombudsman?! Nakatulog nang matagal sa poder ng Ombudsman bago naisampa sa Sandiganbayan pagkaraan ng 12 taon!

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com