Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bumagsak na chopper iniimbestigahan

MAHIGPIT ang seguridad ng mga sundalo sa labi ng bumagsak na Huey UH-1D military helicopter, ikinamatay ng tatlo katao at isa ang nasugatan dahil sa problema sa makina, habang lumalapag sa Brgy. Sampaloc, Tanay, Rizal, kamakalawa. (ALEX MENDOZA)
MAHIGPIT ang seguridad ng mga sundalo sa labi ng bumagsak na Huey UH-1D military helicopter, ikinamatay ng tatlo katao at isa ang nasugatan dahil sa problema sa makina, habang lumalapag sa Brgy. Sampaloc, Tanay, Rizal, kamakalawa. (ALEX MENDOZA)

MASUSING iniimbestigahan ng AFP at PNP ang pagbagsak ng military chopper na ikinamatay ng tatlong miyembro ng Philippine Air Force at ikinasugat ng isa pa, habang nagsasagawa ng rescue operation training sa Sitio Hilltop, Brgy. Sampaloc Tanay, Rizal, kamakalawa.

Ayon kay Lt. Xy-zon Me-neses, Public Affairs chief, ng 2nd Infantry Division, dakong 3:00 pm nang mangyari ang insidente habang sakay ang mga biktima ng UH-1D helicopter na nagsasagawa ng Air to Ground and Disaster Rescue Operation Training (AGOS) sa 60 military personnel ng 2ID, at 12 miyembro ng PNP mula sa Region-4A, para sa preparas-yon sa disaster rescue ope-ration.

Namatay sa insidente ang piloto at dalawang crew members, habang ang sugatang crew ay nilalapatan ng lunas sa AFP Medical Center.

Dagdag ni Meneses, sa ngayon, hindi pa nila maaa-ring banggitin ang pangalan ng biktima hangga’t hindi pa naaabisohan ang kanilang pamil-ya.

“Dito sa Camp Capinpin ang training venue. Tapos na ‘yung practical exercise nila for the day kaso nag-trouble ‘yung isang chopper nung pa-landing,” dagdag ni 1Lt Meneses.

Aniya, ang pagsasanay ay inihanda ng 2ID, Southern Luzon Command at Philippine National Police para sa iba’t ibang rescue operations. (ED MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …