Sunday , December 22 2024

Tuition hike, building fee ng PWU-JASMS inalmahan ng JPA

IPINAHAYAG ng JASMS Parents Association (JPA) na pinangunahan ni JPA President Antonio Pijano III ang kanilang pagtutol sa tuition hike na P3,000 at sa building fee na P7,500 ng Philippine Women’s University - Jose Abad Santos Memorial School (PWU-JASMS) na dating matatagpuan sa EDSA, Quezon City sa kanilang Special General Meeting na ginanap kahapon. (Kuha ni RAMON ESTABAYA)
IPINAHAYAG ng JASMS Parents Association (JPA) na pinangunahan ni JPA President Antonio Pijano III ang kanilang pagtutol sa tuition hike na P3,000 at sa building fee na P7,500 ng Philippine Women’s University – Jose Abad Santos Memorial School (PWU-JASMS) na dating matatagpuan sa EDSA, Quezon City sa kanilang Special General Meeting na ginanap kahapon. (Kuha ni RAMON ESTABAYA)

DESMAYADO ang mga magulang ng Phillipine Women’s University-Jose Abad Santos Memorial School (PWU-JASMS) sa Quezon City dahil sa itataas na matrikula at pagpapataw ng building fee sa mga estudyante sa darating na pasukan.

Sa isinagawang pagpupulong ng JASMS Parents Association (JPA) kahapon, humingi sila ng tulong sa media na ipa-rating sa mga kinauukulang awtoridad ang kanilang hinaing partikular ang P3,000 tuition fee increase at P7,500 building fee na ipinapataw ng school management kada isang estudyante.

Ayon kay JPA President Vicente Pijano III, bumili ng lupa at gusali ang pamununan ng PWU-JASMS para ga-wing eskuwelahan kapalit ng kasalukuyang paaralan nila na nakatayo sa EDSA, Quezom City dahil nailit na ito ng Tangco group (STI).

Ang biniling lupa at gusali ang magiging bagong paaralan ng PWU-JASMS sa Congressional Ave., sa naturang lungsod na nagkakahalaga ng P150 milyon at ito ay babayaran nang hulugan.

Kaya kahit walang konsultasyon sa mga magulang, nakatakda nang ipatupad ang ‘surcharge’ sa darating na enrollment para umano may panghulog sa nabi-ling property at sa reconstruction ng gusali.

Tumututol ang mga magulang sa building fee dahil hindi makatuwiran na sila ay singilin gayong hindi naman sila kasosyo ng PWU-JASMS.

Nagmungkahi ang mga magulang na papayag silang magbayad ng building fee kung ito ay ibabalik sa kanila kapag nagtapos ang kanilang anak sa nasabing paaralan, ngunit hindi umano pumayag ang management, sa halip nais na nila itong gawing regular na bayarin.

Nangangamba rin ang mga magulang dahil nakikita nilang hindi ligtas ang kanilang mga anak sa napakasamang kondis-yon ng gusaling binili ng school management. Kinakailangan umano ito ng “retrofitting” at hindi patapal-tapal na gaya ng ginagawa ngayon.

Bukod dito, nakitaan din ng paglabag sa Building Fire Code ang nabanggit na gusali dahil sa makikipot, matatarik at walang fire exit.

Nagdadalawang-isip ngayon ang mga magulang ng mga mag-aaral sa PWU-JASMS na papasukin sa bagong gusali ang kanilang anak dahil bukod sa hindi makatuwirang dagdag bayarin ay malalagay pa sa panganib ang mga bata.

Isang kilalang institusyon ang PWU-JASMS dahil sa kanilang mahusay na programa sa edukasyon lalo sa special education program. Itinuturing na ang PWU ang pioneer sa special education.

Tatlong taon na ang nakararaan, nag-umpi-sang tumutol ang JPA sa plano ng PWU at STI na itayo ang mall at paaralan sa orihinal na lokasyon nito sa EDSA.

Inihain ito sa korte at naging bahagi ng amicable settlement ang kasunduan na isuko o ibigay ng PWU sa STI ang EDSA property bilang “dacion en pago” o kabayaran.

Hiniling ng school management sa mga magulang na balikatin nila ang pagbabayad sa bagong biling lupa at gusali sa pamamagitan ng taas na P3,000 sa tuition fee at P7,500 building fee kada estudyante sa kasalukuyang school year at sa mga susunod pa.

Tumutol ang mga magulang dahil mabigat na pasanin ito para sa kanila pero lalo silang nabigo nang aprubahan ng Department of Education (DepEd) ang kahili-ngan ng PWU sa loob lamang ng 10 araw.

Umapela ang JPA sa DepEd na ipinasa sa DepEd NCR pero hanggang sa kasalukuyan ay wala pa silang natatanggap na kasagutan.

Hiniling din ng JPA na magsagawa ng structu-ral studies upang mati-yak ang kaligtasan ng kanilang mga anak sa na-sabing gusali sa bagong lokasyon.

Batay sa imbestigas-yon ng JPA, ang gusali ay halos 25 taon nang nakatayo at may problema sa pundasyon, bukod pa sa mga nakausling bakal.

Nagbigay umano ng garatiya ang school ma-nagement na magagawa ang renobasyon sa loob ng tatlong buwan.

Nangangamba ang mga magulang na malagay sa panganib ang kanilang mga anak dahil sa integridad ng gusali na papasukan ng halos 600 batang estudyante na ang 100 sa kanila ay may espesyal na pangangaila-ngan.

(JETHRO SINOCRUZ)

About Jethro Sinocruz

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *