Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
marian rivera heart evangelista

Pasosyalan nina Heart at Marian, cheap na ang dating

NAGIGING cheap sa dilang cheap na ang kinauuwian ng walang-katapusang pasosyalan nina Heart Evangelista at Mrs. Dantes.

Already happily married to their respective men, hindi pa rin pala natatapos ang kanilang social media patalbugan sa mga isinusuot nilang mamahaling gamit, mapa-bag o shirt or anything signature.

Oo nga’t mga expensive stuff ang kanilang pinag-aawayan, but the issue looks cheap para sa dalawang babae who are supposedly mature and happy sa kani-kanilang mga buhay may-asawa. Hanggang ngayon pa ba’y buhay na buhay pa rin ang rivalry nila?

Sana man lang kung mga makabuluhang isyu (halimbawa sa lipunan) ang pinag-aawayan nila, kaso basically ay masa ang fan base nila. And the mass-based fans don’t care about branded stuff, mas gusto nilang marinig kung sa likod ba ng taglay na kagandahan nina Mrs. Escudero at Mrs. Dantes ay mayroon din silang kawawaan as wives of two dashing gentlemen in politics and in showbiz, respectively.

Hindi sa kung anupaman, bakit ang isa rin namang buyangyangera ng kanyang mga mamahaling gamit tulad ni Gretchen Barretto ay wala namang kaaway sa social media? Or even Kris Aquino na isa ring banidosa sa katawan for that matter?

Bakit ang isyu kina Heart at Mrs. Dantes ay wala nang pagkatuldok, samantalang “very early 2000” pa ang rivalry nilang ‘yan? Anong taon na tayo ngayon, ‘no?

Eh, ano naman if these two women have a common taste in fine dressing? At ano naman kung isa sa kanila is better dressed than the other?

Hay, naku, nakakapagod na rin ang kabugan nila. And what’s more tiresome is that wala naman sa kanila ang magpapakabog kay kanino.

Enough!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …