Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Japanese investor patay sa ambush

042217_FRONT
AGAD binawian ng buhay ang isang Japanese investor habang sugatan ang kanyang kasamang Filipino, makaraan tambangan ng riding-in-tandem habang binabagtas ang kahabaan ng Ro-xas Boulevard sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Base sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, kinilala ang biktimang si Seiki Mizuno, 48, pansamantalang nanunuluyan sa Solaire Hotel sa Pasay City, kararating lamang sa Fi-lipinas nitong Huwebes para sa business transaction sa Filipino businessman na si John Ong Desbarro, pangulo ng Oakwave Philippines Corporation, gumagawa ng cable harness para sa iba’t ibang gadgets, nasugatan sa insidente.

Napag-alaman, dakong 8:25 pm, lulan ang mga biktima ng isang Toyota Alphard (UHQ-319), kasama ang apat iba pa, nang pagbabarilin sila ng mga suspek sa kanto ng Roxas Boulevard at Cuarteles St., sa Ermita.

Unang pinaputukan ng mga suspek ang dri-ver na si Rolando Singsing ngunit masu-werteng hindi tinamaan, saka pinagbabaril ang mga sakay ng van at napuruhan si Mizuno, na bibisita sana sa pabrika ng Oakwave sa Tanza, Cavite.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa insidente.

ni BRIAN GEM BILASANO

KOREAN NAT’L TUMALON
MULA 3/F DEDBOL

MASUSING iniimbestigahan ng Pasay city police kung nahulog o sad-yang tumalon ang isang Korean national mula sa ikatlong palapag ng tinutuluyang condominium sa Pasay City, kahapon ng umaga.

Basag ang bungo at mukha ng biktimang si Taehyong Kim, nasa hustong gulang, nanunulu-yan sa Unit 1240, Park Avenue Mansion, ng na-sabing lungsod.

Sa imbestigasyon ng Pasay City Police, nangyari ang insidente dakong 8:00 am sa nasabing condominium.

Bumagsak ang biktima sa jogging path veranda at agad binawian ng buhay. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …