Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Holy Week sa Metro Manila generally peaceful (Ayon kay NCRPO chief C/Supt. Oscar Albayalde)

NASA labas man ng Filipinas ang inyong lingkod, tayo po’y patuloy na nakikibalita sa mga bagong kaganapan sa bansa.

Ang isa sa nakatutuwang balita, generally peaceful daw po ang Metro Manila nitong nakaraang Holy Week, ayon kay NCRPO chief, C/Supt. Oscar Albayalde.

Kasi naman, malaking porsiyento ng Metro Manila population ay umuwi o nagbakasyon sa iba’t ibang lugar.

Mayroon pa nga tayong nakita na pagkaluwag-luwag ng EDSA at ganoon din ang iba pang major thoroughfare taliwas sa mga regular na araw na ito ay iniiwasan ng mga motorista.

Hay kayluwag ng Metro Manila.

Tiyak ngayong araw ay balik sa normal na sitwasyon ang trapiko sa Maynila.

110216-ncrpo-albayalde

Huwag naman sanang magbakasyon ang mga traffic enforcer na nakatalagang magmando ng daloy ng mga sasakyan sa malalaking kalsada.

Sa kabuuan walang naitalang untoward incidents sa mga simbahan sa Kalakhang Maynila sa paggunita ng Semana Santa.

Ayon kay Gen. Albayalde, wala silang naitalang minor crimes o ano mang mga insidente sa mga simbahan. Wala ring report na isinumite ang iba’t ibang district police offices sa Metro Manila.

Nakatutok sila ngayong araw sa buhos ng mga pasahero na magsisibalikan sa Metro Manila mula sa mga probinsiya partikular sa mga bus terminal, seaports at airports.

Pero nananatili sa full alert status ang NCRPO dahil sa nakatakdang Association of Southeast Asian Nations Summit ngayong buwan ng Abril.

Kudos Gen. Albayalde!

MAY NAMBABATO NG SASAKYAN
SA BOUNDARY NG CATMON
AT BULAC STA. MARIA, BULACAN

101016-road-accident

Nanawagan po tayo sa mga motorista na dumaraan diyan sa boundary ng Catmon at Bulac, Sta. Maria, Bulacan, doon sa gawing ginagawa at hinuhukay ang kalsada, mag-ingat kayo dahil mayroong  nambabato ng sasak-yan.

Isang  ka-bulabog natin ang binato sa windshield ngunit pinalad na hindi nasapol ng kung sino mang may gawa ng pambabato na ‘yan.

Supt. Ranier Valones, Sir, puwede bang paki-rekorida mo ang area na ‘yan sa boundary ng Catmon at Bulac. Huwag na po nating hintayin na tumama muna ang bato sa sasakyan bago umaksiyon.

Inuulit lang po ng inyong lingkod, may nambabato ng mga sasakyan sa area na ginagawa ang kalsada sa boundary ng Catmon at Bulac. Mag-ingat!

Aksiyon Kernel Valones!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …