Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kevin, kuhang-kuha ang nuances ng isang gumagamit ng droga

HINDI pa man ipinalalabas ang  pelikulang Adik ni direk Neil Buboy Tan ay kalat na ang ilang bersiyon ng teaser nito sa Facebook. Tampok ang newbie na si Kevin Poblacion, napapanahon ang nasabing movie lalo’t maigting pa rin ang kampanya ng Duterte administration laban sa droga.

Sa May 6, sa SM Iloilo City magbubukas ang Adik. Lending their able support sa budding career ni Kevin ay sina Ara Mina, Rosanna Roces, atEagle Riggs. Si Richard Abella ang umawit ng theme song mula sa komposisyon ni Jake Abella.

At first glance sa cast na bumubuo ng Adik, kapansin-pansin ang imposing presence ni Osang na kung hindi kami nagkakamali was last seen pa in an Erik Matti movie years ago.

Dahil sa temang droga ng movie, na isang druggie ang papel ni Kevin (dahilan para masira ang kanyang pamilya’t kinabukasan), hindi kaya ang nagsilbing coach niya ay si Osang, a self-confessed drug user noon?

No wonder, kuhang-kuha ni Kevin ang nuances ng isang tunay na gumagamit ng drugs tulad ng paghilakbot ng kanyang mukha, ang panginginig ng buong katawan at iba pang manifestations ng karaniwang user.

Tunay ngang direk Buboy was able to bring out the best in Kevin.

Samantala, masaya kami para sa kaibigang Eagle dahil na-tap ang kanyang kaalaman sa larangan ng serious acting.

HOT, AW! – Ronie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …