Monday , November 25 2024

Reklamo sa BI one-stop-shop sa Clark, Pampanga

MAY mga reklamo tayong natatanggap tungkol sa nangyayaring kalakalan diyan sa Bureau of Immigration (BI) one-stop-shop sa loob ng Clark Field, Pampanga.

Ilang locators na rin ang nagpaabot ng hinaing nila sa DIAL 8888 Duterte.

Usad-pagong raw kasi ang mga transaksiyon diyan magmula nang tumigil ang pagbibigay ng “service fees” o ‘gayla’ para sa mga naglalakad ng kanilang papeles diyan.

Service fee!?

Kailan pa nagkaroon ng service fee ang isang sangay ng gobyerno?

Ano ‘yan, restaurant?!

Garapal naman yata masyado kung hihingi ng service fee ang mga tao riyan sa BI Clark One-Stop-Shop?!

Alam ba naman kaya ng hepe riyan ang umiiral na  sistema?

Nasaan na ang tinatawag na serbisyo publiko kung hihingi ng kabayaran sa bawat serbisyong Ipagkakaloob sa tao?

Hindi naman ‘ata tama ‘yan!

Magmula raw kasi nang higpitan ang mga empleyado ng one-stop-shop diyan tungkol sa mga fixing activities ay tila nawalan na rin sila ng ganang magtrabaho.

Ang siste, pinahihirapan umano ang mga aplikante, pinababalik-balik, sandamakmak na rekisitos at kung ano-ano pang delaying tactic sa processing.

In short, red tape pa rin!

Juice colored!

‘Yan na nga ba ang sinasabi ko, may domino effect talaga ang nangyayaring ito.

Kung talagang hindi matutugunan ang issue tungkol sa nawalang overtime pay ng mga immigration employees na ‘yan, patuloy pang lalala ang magiging sistema sa buong ahensiya.

Agree ka ba rito, BI-Clark chief Mr. Raul Gagambino ‘este Lambino!?

BUS TERMINAL
SA TUTUBAN
WALANG CR

SIR Jerry, ang alam po namin mahigpit na ipinag-uutos ng pamahalaan na ang lahat ng terminal ng bus lalo ‘yung malalayo ang biyahe ay kinakailangan maglagay ng comfort room bilang bahagi ng komportableng biyahe. Pero bakit po dito sa Tutuban na pinipilahan ng Baliwag Transit, German Espiritu, Aguila, RL at iba pa ‘e wala man lang CR para sa mga pasahero? Sino po ba ang dapat magpaalala sa mga establishment na dapat silang maglagay ng CR lalo na kung bus terminal? Salamat po.

– Concerned Commuter

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *