Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez kinaiinggitan

MAHABA talaga ang suwerte nitong si House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez.

Bukod sa laging napupuwesto na malapit sa kusina, lagi pang happy lalo na sa kanyang lovelife.

Kapag nakikita ko nga si Speaker Alvarez sa isang sikat noon na watering hole sa Malate, natutuwa ako sa kanyang aura, parang laging happy, parang walang marital rift.

Aba ‘e ilang panahon rin nating naging kaklase riyan sina Speaker, si Secretary Manny Piñol, Ray Roquero at Ruben Lista sa Café de Malate, kahit itanong pa ninyo kay Bobby Velasco.

Talaga namang mga tunay na Caballero!

Kaya sa nakikita nating laban na kinasusuungan ngayon ni Speaker, aba, hindi niya kayo uurungan.

Kaya nga, imbes tuligsain ‘e mukhang marami ang humanga sa kanyang pag-amin sa kanyang lovey dovey.

Mas mainam na nga naman ‘yung tapat at hindi nagsisinungaling…

Sa ganang atin, kulang lang siguro si Speaker Alvarez sa pagpo-formalize ng kanyang civil status kaya medyo nababahiran ng kontrobersiyal na isyu.

Kung ipinasasara na ninyo ang tanggapan ng Congressional Spouses sa Kamara at nais na ninyong ilaan sa mas makabuluhang gawain ang nasabing espasyo, ganoon din dapat ang inyong gawin sa inyong civil status.

Ibig nating sabihin, dapat maging klaro para walang kontrobersiyal na isyu.

Ganoon lang po. Mr. Speaker…

Pero hanggang ngayon, idol na idol pa rin kita, Speaker ‘lover boy’ Alvarez!

GOODBYE ISMAEL
“MIKE” SUENO

040517 Sueno Duterte

Not in good mood talaga si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa Cabinet meeting nitong Lunes ng hapon.

Masama talaga ang kanyang loob kapag nagkakaroon ng sirkumstansiya na kinailangan niyang ‘pumitas’ o ‘maglaglag’ ng mga taong pinagkatiwalaan niya at inaasahan niyang katuwang niya sa pagsusulong ng makabuluhang pagbabago pero sa huli ay ‘naliligwak’ dahil nasilaw sa kapangyarihang tinatamasa kapalit ng mga materyal na pakinabang.

Nakasilip kaya ng pagkakataon si Mike Sueno na bawiin ang malaking nawala sa kanya noong tumakbo siyang bise presidente ni Lito Osmeña sa ilalim ng Probinsiya Muna Development Initiative (PROMDI)?

He is the only one answerable to that!

Tingin natin ay naroon ang matinding pagkadesmaya ni Pangulong Digong.

Tsk tsk tsk…

Nauna si Peter Laviña, si Jun Yasay at ngayon ay si Mike Sueno. Para silang mga dahon sa puno na isa-isang nalalagas…

Pero sabi nga, sa bawat taglagas, may isang bagong umuusbong at ‘yun ang positibong bagay.

‘Nalagas’ sila dahil iyon ang hinihingi ng pagkakataon at kinakailangan.

Para kay Sir Mike Sueno, good luck on your next endeavour!

REKLAMO SA BI
ONE-STOP-SHOP
SA CLARK, PAMPANGA

070516 immigration

MAY mga reklamo tayong natatanggap tungkol sa nangyayaring kalakalan diyan sa Bureau of Immigration (BI) one-stop-shop sa loob ng Clark Field, Pampanga.

Ilang locators na rin ang nagpaabot ng hinaing nila sa DIAL 8888 Duterte.

Usad-pagong raw kasi ang mga transaksiyon diyan magmula nang tumigil ang pagbibigay ng “service fees” o ‘gayla’ para sa mga naglalakad ng kanilang papeles diyan.

Service fee!?

Kailan pa nagkaroon ng service fee ang isang sangay ng gobyerno?

Ano ‘yan, restaurant?!

Garapal naman yata masyado kung hihingi ng service fee ang mga tao riyan sa BI Clark One-Stop-Shop?!

Alam ba naman kaya ng hepe riyan ang umiiral na  sistema?

Nasaan na ang tinatawag na serbisyo publiko kung hihingi ng kabayaran sa bawat serbisyong Ipagkakaloob sa tao?

Hindi naman ‘ata tama ‘yan!

Magmula raw kasi nang higpitan ang mga empleyado ng one-stop-shop diyan tungkol sa mga fixing activities ay tila nawalan na rin sila ng ganang magtrabaho.

Ang siste, pinahihirapan umano ang mga aplikante, pinababalik-balik, sandamakmak na rekisitos at kung ano-ano pang delaying tactic sa processing.

In short, red tape pa rin!

Juice colored!

‘Yan na nga ba ang sinasabi ko, may domino effect talaga ang nangyayaring ito.

Kung talagang hindi matutugunan ang issue tungkol sa nawalang overtime pay ng mga immigration employees na ‘yan, patuloy pang lalala ang magiging sistema sa buong ahensiya.

Agree ka ba rito, BI-Clark chief Mr. Raul Gagambino ‘este Lambino!?

BUS TERMINAL
SA TUTUBAN
WALANG CR

SIR Jerry, ang alam po namin mahigpit na ipinag-uutos ng pamahalaan na ang lahat ng terminal ng bus lalo ‘yung malalayo ang biyahe ay kinakailangan maglagay ng comfort room bilang bahagi ng komportableng biyahe. Pero bakit po dito sa Tutuban na pinipilahan ng Baliwag Transit, German Espiritu, Aguila, RL at iba pa ‘e wala man lang CR para sa mga pasahero? Sino po ba ang dapat magpaalala sa mga establishment na dapat silang maglagay ng CR lalo na kung bus terminal? Salamat po.

– Concerned Commuter

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *