Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Plunder case vs solon nilimot na (Limkaichong bagyo sa Ombudsman)

032917_FRONT
KINUKUWESTIYON ng mga mamamayan sa lalawigan ng Negros Oriental ang Ombudsman Visayas gayondin si Ombudsman Conchita Carpio-Morales kung bakit tila mayroon silang pinapa-boran sa mga kaso na isinasampa sa kanilang tanggapan.

Anila, lumalabas na agad inaprubahan ni Morales ang pagsasampa ng kaso sa Sandiganbayan laban kay Governor Roel Degamo kahit walang sapat na ebidensiyang pinanghahawakan.

Sa tulong umano ng ilang matataas na opis-yal mula sa Liberal Party at mga kalaban ni Degamo sa politika sa nasa-bing lalawigan, ang pagpapawalang-sala sa gobernardor sa mga kaso laban sa kanya, na unang naging decision ng Ombudsman ay nabaliktad at siya ay pinatawan ng Administrative Charges at nakitaan pa ng probable cause para sampa-han ng criminal case sa korte.

Dahil dito, may nakikitang ‘dungis’ ang mga taga- Negros Oriental sa ginawang pagtrato sa kaso ni Degamo ni Ombudsman Morales.

Nakapagtataka umano ang mabilis na pagdedesisyon sa kaso di Degamo, habang ang kaso ng kalaban sa politika na si Rep. Jocelyn Limkaichong, ay nakabinbin pa rin.

Tinalo ni Degamo si Limkaichong sa eleksi-yong pang-gobernador noong 2013, at kasalukuyang nahaharap sa kasong plunder pero hanggang sa ksalukuyan ay hindi ina-aksiyonan ng Ombudsman kahit sapat ang mga dokumento at mga testigo.

Ang kasong plunder at malversation of fund ay isinampa kay Jocelyn at sa asawa niyang si Lawrence nina Alberto Sabanal, Edwin Roda at Nelson Libato noong 2013.

Pero dahil umano sa impluwensiya ng  Limkaichongs, bilang mataas na lider ng LP sa Negros Oriental, ang kaso laban sa kanila ay pina-tulog ng Ombusdman Visayas na pinamumunuan ni Paul Elmer Clemente.

Apat na taon na ang nakalilipas, wala pa rin aksiyon ang Ombudsman sa reklamo na kinakaharap ng mag-asawang Limkaichong.

Naniniwala ang mga Negrense na nakakuha ng impluwensiya at kapangyarihan ang mga Limkaichong nang ipakita nila ang matinding suporta sa kandidatura kay Benigno Aquino noong 2010 habang ang kapatid ng babaeng Limkaichong na si Julio Sy Jr., at ama na si Julio Ong Sy ay nagbigay umano ng milyones na kontribusyon kay Aquino at kay Mar Roxas noong nakaraang presidential election.

Napag-alaman na noong 2009, sinampahan ng kaso ni Oriental Mayor Napoleon Camero si Jocelyn sa citizenship ng pa-milya nito kabilang na ang kanyang pamilya na sina Julio Sy Sr., ama ng mambabatas; asawa na si Anesia Dy Sy, kapatid na si Julio Sy Jr., at Jojo Sy dahil sa overstaying at fake Filipino pero walang nangyari sa kaso dahil sa sinabing impluwensiya nila sa rehimen ni Aquino.

Sina Julio Sy Sr., at Anesia Dy Sy ay hindi umano Filipino citizens.

Nalulungkot ang supporters ng PDP Laban, na kahit sa administras-yon ni Duterte, si Limkaichong na pinaniniwalaang nasa likod ng pagsasampa ng kaso kay Degamo ay nagagawa pa rin maipluwesiyahan si Carpio-Morales na mapabilis ang kaso laban sa gobernardor habang ang kaso naman ng mambabatas ay tila kinalimutan ng Ombudsman.

ni Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …