Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

LA Santos, ginagawa na ang MTV para sa kanyang debut album

TODO na ang paghahanda sa paglabas ng debut album ni LA Santos. Ang bagets na talented sa kantahan at guwapitong recording artist ay nagpapasalamat naman sa lahat ng mga taong tumutulong para sa kanyang album sa Star Music.

Potential hit ang album na ito ni LA na binansagang The Singing Idol. Kabilang sa cuts ang Ms. Terror, Mine, Hanggang Kailan, ang cover ng When I Was Your Man ni Bruno Mars, Bakit Pag-ibig, One Greatest Love, Ikaw Kasi, Forever’s Not Enough ka-duet ng younger sister niyang si Kanishia Santos, at Tinamaan.

Actually, puro bigatin ang mga composer sa likod ng album na ito ni LA. Kabilang sina Joel Mendoza, Vehnee Saturno, Jonathan Manalo, Garry Cruz, at Garth Garcia. Si Joel na isa sa mentor ni LA ang producer ng album at may dalawang komposisyon dito, ang Hanggang Kailan at One Greatest Love. Ang huli ay ginagawan na ngayon ng MTV ng advocacy film director na si Joan Hernandez.

Nabanggit ni Joel na ang naturang kanta ay inspirational song para sa mag-inang Ms. Flor Santos at LA. “I composed this song One Greatest Love, simply because of the unquestionable love of Flor to her family and beyond. I can see how she’ll do everything to give her all to everyone she love.”

Saad pa niya sa kanyang FB post, “When LA Santos, recorded this song, he sang it with honest emotion and conviction since he knows this is for his loving mom, my dear Mompreneur Flor Brioso-Santos. Though LA sang the song….this song is also a message from Flor, in spreading the message of hope, charity, generosity and love to everyone! Thank you again LA for giving your 100% interpretation and honest to goodness emotion! Whewww! I’m just simply amazed that your only 16 and you delivered this inspirational song! Watch out for the Launch of LA Santos album!! :-)”

Aminado naman si LA na may halong excitement na nararamdaman sa paglabas ng kanyang album. Nasabi rin niya na crush si Janella Salvador at gusto sana ni LA na kapag ginawan siya ng MTV ay makasali roon si Janella.

Bakit gusto mong makasama si Janella sa iyong MTV? ”Dati ko pa po kasi siyang crush. Unang kita ko pa lang po kay Janella, nagustuhan ko na agad siya, nagka-crush na agad ako sa kanya. Siya ‘yung nagustuhan ko talaga sa showbiz, at saka bukod po sa maganda siya, singer din si Janella, magaling siyang kumanta.

“Sana nga ay magawan ng paraan na kapag nagka-MTV ako rito sa album ko, makasama ko sana si Janella roon. Pero alam ko naman po na pinag-aagawan si Janella sa mga love-team, love–team. So kung anuman, parang sa akin po, abang-abang na lang ako,” nakatawang wika pa niya.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …