Monday , November 25 2024
Duterte CPP-NPA-NDF
Duterte CPP-NPA-NDF

Kontrol sa armadong labanan dapat pangatawanan ng NDF

ANG Filipinas daw ang may pinakamahabang insurhensiya sa buong mundo.

Ibig sabihin, matindi ang determinasyon ng mga rebeldeng komunista na maiposisyon ang kanilang mga mithiin at adyenda sa lipunan.

‘Yan din siguro ang dahilan kung bakit kahit ilang beses nabulilyaso ang usapang pangkapayapaan ay patuloy nila itong iginigiit.

Hindi natin tinatawaran ang determinasyon at pagiging matiyaga ng Communist Party of the Philippines-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NDF).

Pero ang tanging hinihiling ng sambayanang Filipino sa CPP-NDF, sana naman masuheto nila muna ang armadong New People’s Army (NPA) sa pang-a-ambush ng puwersang militar.

Gaya ngayon, papasok muli sa peace talks ang Government of Republic of the Philippine (GRP) at NDF. Nagkaisa sila na ituloy ang peace talks pero wala pang ceasefire, kaya hindi na tayo magtataka kung habang nag-uusap ang mga kinatawan ng GRP at NDF ‘e maging walang puknat naman ang labanan sa countryside ng NPA at AFP.

Kung tutuusin, malayo na rin naman ang narating ng peace talks sa pagitan ng GRP at NDF.

Sa joint statement na inilabas ng GPH-NDFP panel, sinabi nilang ipagpapatuloy ang pormal na usapang pangkapayapaan at didiin sa pagpapatupad ng mga naunang bilateral agreements, kasama ang The Hague Joint Declaration, Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG),  at ang Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL).

Umaasa tayong ibabalik ng gobyerno at NDFP ang kani-kanilang unilateral ceasefire na ipatutupad bago ang nakatakdang fourth round of talks sa susunod na buwan, at kapag naipabatid na sa mga puwersa ng pamahalaan at rebelde.

Kapag naibalik ang JASIG matitiyak na walang magiging hadlang sa partisipasyon ng 19 NDFP consultants at staff sa peace talks na pinalaya noong Agosto 2016, palalayain ng gobyerno ang “rearrested consultant” at titiyakin ang kaligtasan at kalayaan ng lahat ng consultants, gayondin ang pagpapalawig ng bisa ng kanilang piyansa at iba pang legal na remedyo.

Itinakda ng magkabilang panig ang pagdedeposito at pagpapatago nang muling binuong listahan at larawan ng NDFP consultants na may hawak ng safe conduct pass o saklaw ng JASIG ngayong araw, 14 Marso, at ang mga dagdag na patakaran hinggil sa kanilang dokumento.

Napakahusay na garantiya niyan para sa mga rebeldeng  komunista.

Wish lang natin na bago maganap ang fourth round ng peace talks sa unang linggo ng Abril, ay maipatupad na ang peace talks.

At kahit wala pang ceasefire ngayon, sana’y maging payapa muna ang magkabilang panig lalo’t pinaplantsa na ang muling paghaharap ng GRP at NDF.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *