Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, wagi sa ‘pagpapalaki’ ng kinasangkutang aksidente

HOW true na exag ang kuwento mula sa bibig mismo ni Kris Aquino when she met a freak accident sa taping ng kanyang Trip ni Kris balik-TV program?

Ayon sa kanyang ipinost, isang metal fence sa lettuce farm sa Bongabon, Nueva Ecija ang lumanding sa kanyang paa na nagdulot ng pasa at pamamaga. Mabuti na lang at maunawain ang producer (teka, akala ba namin ay si Kris mismo ang produ nito na blocktimer ng GMA tuwing Sunday?) at pinagpahinga muna siya ng dalawang araw para magpagaling.

Hindi naman isang malaki at mabigat na bakod na yari sa bakal ang bumagsak sa kanya kundi lock ng tarangkahan ng metal fence.

So, kung totoo, ano ‘yon, hindi ba’t maliwanag na making mountains out of mole hills ang tawag doon?

Pero tanggapin natin ang katotohanan, it was the former Presidential Sister who figured in the accident. Kung ibang artista ‘yon, hindi ‘yon magiging isang big deal.

Ang isa pang newsworthy aspect sa pangyayaring ‘yon ay ang kaabang-abang na da return ni Kris sa TV. Kung gimik man ‘yon o hindi, Kris definitely nailed it as in nagtagumpay siya effortlessly.

Personally, kami man ay excited na ring mapanood ang hitad (ang hitad daw, o!) as she takes TV by storm again. Na-miss din namin ang kanyang kaartehan, and for sure, kayo rin naman, ‘no!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …