Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa kumalat na sex video: Bernard, lasing sa alak o sa droga?

KUNG susuriing mabuti ay tila lasing si Bernard Palanca sa nagsi-circulate na niyang sex video sa internet.

Kung sabagay, kung matino naman ang isang lalaki’y maaatim ba niyang ibuyangyang ang kanyang ari habang ipinapasok ito sa “flesh light” (simulating the private parts of a woman)?

Nang gawin namin itong paksa sa programang Cristy Ferminute nitong Miyerkoles (mismong araw na lumabas ito sa mga tabloid), may input ang ilan sa aming mga tagapakinig.

Ang gadget palang ‘yon—na ginawang sex toy ni Bernard—ay mumurahin, as in cheap lang. May presyo itong P600. But the most expensive can fetch as much as P6,500. Madalas pala itong gamitin ng mga seaman.

Anyway, hindi man lang ba naisip ni Bernard ang implikasyon ng kanyang sex video sa mga anak niya kina Meryl Soriano at Jerika Ejercito?

Huwag nang intindihin ng aktor ang epekto nito sa kanyang career dahil to begin with ay now-you-see-him-now-you-don’t ang estado niya sa showbiz.

Kaya ang sapantaha tuloy ng marami: lasing nga lang ba si Bernard o higit pa roon ang kanyang mental state? Sa edad din niyang mahigit  ng 30-anyos, siguro nama’y mas maiintindihan namin kung tin-edyer si Bernard nang gawin niya ang kanyang trip.

Desperado ba si Bernard? Trip lang ba ‘yon? Pervert ba siyang matatawag? Anong satisfaction kaya ang nakukuha by posting such an act na maaari namang isapribado na lang niya’t hindi para pagpiyestahan sa social media?

Ano kaya ang reaksiyon ng kanyang pamilya lalo’t nagmula siya sa kilalang angkan ng mga Revilla? Hindi ba siya marendahan ng kanyang mismong pamilya?

Hay, the list of questions is endless!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …