SPEAKING OF direk Maning Borlaza, mabuti’t naka-recover na siya mula sa kanyang pagkakasakit. Last year kasi nang mpabalitang naka-confine siya sa isang undisclosed hospital ay mahigpit niyang ipinagbawal ang pagdalaw sa kanya.
“Bumagsak kasi ang katawan niya. Nahihiya siyang makita ng kanyang mga kaibigan na ganoon ang hitsura niya. Thank God, lumakas siya. Mas gumanda pa nga ang katawan niya, eh,” impormasyon ng aming kausap.
Sa mga hindi nakaaalam, si direk Maning na isa ring mahusay na scriptwriter ang mayhawak ng kredito para sa mga klasikong linya sa maraming pelikula kabilang na ang famous line ni Cherie Gil na, ”You’re nothing but a second-rate, trying hard copycat!” na idineliver nito sa kaeksenang si Sharon Cuneta sa Bituing Walang Ningning.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III