MULA nang ipinanganak ni Andi Eigenmann hanggang sa lumaki si Ellie, walang naramdamang lukso ng dugo ang isa sa lead actor ng Pwera Usog na handog ng Regal Entertainment na si Albie Casino.
Aniya, “Wala talaga, ‘yung lukso ng dugo, wala talaga.
“’Pag nakikita ko siya (Eli) nakalilimutan ko nga, eh.
“’Yun, ‘pag nakaririnig ng side comments ‘pag nasa labas ako na, ‘Yan ‘yung tatay ng anak ni Andi.’ ‘Ay, oo nga pala, mayroon pala akong isyu!’
“Nawawala talaga sa akin ‘yung issue.
“Even before ako ma-vindicate, hindi talaga siya pumapasok sa utak ko.
“You’re never one-hundred-percent sure with anything but it’s, like, ‘I don’t think it’s mine,’” giit pa ni Albie.
MATABIL – John Fontanilla