Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yassi, physically fit para maging Darna

KAPANSIN-PANSIN ang maikling buhok that Angel Locsin is sporting these days. But is her new look a telling sign na hindi na nga sa kanya mapupunta ang papel na Darna?

Tulad ng alam ng marami, lampas-balikat ang haba ng nakalugay na buhok ng nasabing Mars Ravelo komiks character.

At kung ito ang trademark ni Darna, definitely, laglag na si Angel. Ano ‘yon, magwi-wig siya?

Usap-usapan na ang napipisil gumanap bilang superheroine ay si Yassi Pressman na kapipirma pa lang two-year exclusive contract sa ABS-CBN. Pero nang tanungin si Yassi ay wala pang pormal na alok sa kanya.

And why not? Malaking bentahe ni Yassi ay ang galing niyang sumayaw, meaning, she’s physically fit for the role. Her dancing prowess ay malaki ang maitutulong sa liksing hinihingi sa mga kilos ni Darna, bukod pa sa magandang pigura niya.

Buti rin at umaalagwa ang career ni Yassi na kung hindi pa nawalan ng show sa TV5 ay hindi pa mabibigyan ng mas challenging TV assignments.

Total artist ngang matatawag si Yassi who can do hosting, acting and dancing. Saan ka pa?!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …