Sunday , November 24 2024

Mocha, ipinangalandakan pa ang pagdo-donate sa DSWD

TULAD ng kanyang ipinangako, ibinigay nga ni Mocha Uson ang kanyang (unang sahod) sa DSWD bilang board member ng MTRCB.

Mismong ipinost niya ang litrato ng suweldong tinanggap niya (P60,500) sa kanyang social media account. May kuha rin siya ng resibong ipinambili niya ng mga grocery item na nagkakahalaga ng mahigit P51,000.

Hati ang reaksiyon ng netizens, mas marami kasi ang desmayado sa ginawang ‘yon ni Mocha.

Any act of charity is noble, no question about that. Pero ang ibuyangyang ito for all the world to see diminishes the intention.

Bakit kailangang i-post pa ni Mocha ang resibo ng mga ipinamili niya, does she need the receipt for BIR purposes? Hindi ba’t malinaw na pangangalandakan ‘yon ng kanyang good deeds, na maaari namang hindi na isinapubliko?

By posting her act of charity, inaasahan ba ni Mocha na dadagsain siya ng mga papuri, ito ang isang taong mapagkawanggawa na sa halip na gastusin sa kanyang pangangailangan ang perang pinagpaguran ay inilaan pa sa mga mas nangangailangan, therefore, mabuhay si Mocha!

Kung ganoon, wala rin palang ipinagkaiba si Mocha sa marami sa atin na gumagawa rin ng acts of charity. Pangalawa na lang, kung tutuusin, ang pagkakawanggawa.

Self-gratifying act ang kanilang ginagawa, hindi para sa ibang tao.

Binubusog muna nila ang kumakalam nilang sikmurang gutom sa paghanga at mataas na tingin ng tao.

Ang isang tapat, taospuso at sinserong pagkakawanggawa ay basta na lang natin nababalitaan mula sa ibang tao, hindi sa mismong taong gumagawa ng kabutihan sa kapwa.

Iilan nga lang ang mga taong gumawa na’t lahat ng acts of charity ay ayaw pang ipabanggit ang kanilang mga pangalan. Ilang telethon sa tuwing magdaraan ang mapaminsalang sakuna o kalamidad sa ating bansa na ang ating napapanood?

May mga volunteer na hindi magkamayaw sa pagsagot ng mga sunod-sunod at nagsasalimbayang tawag sa nakahilerang telepono, nililista nila ang halaga (o pledges) pa lang ng mga donor o anupamang gamit o bagay na ibinigay nila at pangalan ng mga ito.

Sa mga susunod na segment ay may graphics na ng donors’ names.

Pero kapansin-pansin na may ilan sa ating mga kababayan na pinipiling maging “anonymous.” Sila ‘yung ayaw magpabanggit ng kanilang pagkakilanlan. Sapat nang may naibahagi silang tulong, pera man o hindi.

Ang mga ito ang dapat pamarisan ni Mocha if at all ay nais niyang kumbinsihin ang taumbayan na tapat ang kanyang hangaring gumawa ng kabutihan sa kapwa.

Mapa-reklamo sa mga kabaro niya sa MTRCB, mapa-usaping kawanggawa, sa social media agad ang ginagamit niyang behikulo?

‘Kalurkey!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *