Monday , November 25 2024

Naudlot na silent protest ng BI employees

NITONG nakaraang Biyernes, hindi natuloy ang binalak na protesta ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI).

Plano sana nilang magsuot ng damit na itim at pulang arm band bilang simbolo ng panawagan sa pamahalaan partikular kay Pangulong Rodrigo Duterte para irekonsidera ang pagkakaloob ng overtime pay sa lahat ng mga kawani ng ahensiya.

Ang panawagan ay ipinarating sa lahat ng sangay ng kagawaran sa field offices, airports at sub-ports sa buong Filipinas.

Kung natuloy ito, lalabas na ngayon lang sa kasaysayan ng buong BI nangyari ang ganito kalakas na pagkakaisa ng mga kawani matapos magtagumpay ang mga nakaupo sa gobyerno na kompiskahin ang koleksiyon ng BI Express Lane Fund.

Ilang administrasyon na ang nagdaan pero napangalagaan ang pananatili ng kanilang OT pay.

Kung tuluyang hindi na ito maibabalik pa, baka tuluyan na rin magsilisan o magbabu ang halos 2,000 kawani na umaasa sa biyaya ng kanilang overtime pay.

Naging viral rin sa social media ang tahasang pagtalikod ng ilang immigration officers sa kanilang tungkulin.

Araw-araw ay mapapansin na napakaraming empleyado ang hindi nagre-report sa kanilang mga opisina partikular ang mga naka-assign sa tatlong terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Masisisi kaya sila? May nagkasakit o nagsakit-sakitan? Saang kamay nga naman ng Diyos nila kukunin ang araw-araw na pang-taxi, pang-gasolina at pambaon? Paano na ‘yung may mga anak na pinag-aaral sa kolehiyo at high school? Upa o hulog sa bahay? Kamag-anak na may sakit?

Sa halos P9,000 na matitira sa kanilang buwanang kita na P16,000, saan pa kaya ito makararating?

Tayo man ang nasa katayuan ng mga Immigration Officers ay hindi rin kakayaning magtiyaga sa kakapiranggot na kita sa 10 oras na trabaho. Lalo’t nagsunog ng kilay para sa pagpapakadalubhasa!

Ibig sabihin, ang mga kawani sa BI ay nagsipag-aral hanggang makatapos at namuhunan para makakuha nang maayos na trabaho.

Napakaraming korporasyon ngayon, partikular ang call centers na puwede naman lipatan at pasukan.

Sa ngayon ay isa itong nakaaalarmang kondisyon para sa pamunuan ng kasalukuyang administrasyon na nangangailangan ng kagyat na solusyon.

Kung patuloy na mawawala ang mga pangunahing tanod sa premiere airport and subports ng Filipinas, hindi malayong magpiyesta ang mga terorista at high risk fugitives mula sa ibang bansa?!

Anyway, ano ba talaga ang kayang gawin ng mga nakaupo ngayon diyan sa Bureau of Immigration para matugunan ang lumalalang problemang ito?

Ang latest, tuloy pa rin ang negosasyon sa Palasyo, DBM at opisyales ng dalawang employees union ng BI.

Kaya ba talagang aksiyonan gaya ng nakaraang “praise release” ng isang opisyal diyan?

Kasi kung talagang hindi na kaya ng mga kasalukuyang namumuno riyan, bakit hindi na lang sumubok nang iba?

‘YUN LANG!!!

PAGING: PDEA

GOOD am po Sir Jerry isumbong ko lang po dto samin lugar sa Katuparan Vitas, Tondo, Manila sa Bldg. 3, 2 and 1. Talamak po ang bentahan ng droga rito. Ang dami pusher at user. Sana po maaksiyonan agad ito. Salamat po.

+63929294 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *