DALAWANG punto ang nais naming i-raise sa reklamong inilabas ni Mocha Uson sa kanyang social media account kaugnay ng pagpapatupad ng kanyang tungkulin bilang MTRCB board member.
Humahanga muna kami kay Mocha. True to her promise ay naroon ang marubdob niyang hangarin na iwasto ang mga bagay na sa kanyang palagay ay dapat ituwid sa ahensiya.
Pero kabuntot ng aming admiration toward her ay ang kanya namang pagiging mainipin to the point of being result-oriented na sa totoo lang, hindi niya maaaring makamit agad-agad.
It takes time to get anybody adjusted to the demands of his job. Oftentimes frustrating, pero ito ang katotohanan na kailangang isaksak ni Mocha sa kanyang isip.
First of all, bago ang teritoryong kinabibilangan niya. Bukod sa umiiral na sistema ay inabutan na niya ang mga rati nang nakapuwesto whose familiarity with the job cannot be questioned.
Feeling namin, masyadong na-overwhelm si Mocha sa kanyang appointment. Walang masama sa pagpapakitang-gilas but her wanting to prove herself, pero OA ang dating nito para sa nakararami.
Hindi kami pamilyar sa komposisyon ng MTRCB, kung ilan nga ba ang kabuuang bilang ng mga board member nito and how the assignments as regards the review and classification of TV programs and movies are evenly distributed among them.
Totoo bang may 30 katao ang nakaupo sa board? These 30 minds don’t share the same insights or opinions tungkol sa ninirebyu o kina-classify nilang panoorin.
Masuwerte siguro if there exists an overwhelming concurrence ng iba’t ibang mga kaisipan dahil magkakaiba naman ang ating mga pananaw.
Sa kasong nalalaswaan si Mocha sa ilang panoorin sa ABS-CBN, her impression or judgement does not reflect those na kabaro niya.
Ang hindi lang siguro matanggap ni Mocha, being an appointee under the Duterte administration na nangako ng pagbabago ay na-overrule ng mga taong noon pa nakapuwesto roon ang kanyang pananaw.
Pero gaano man kapalso ang sistemang ipinaiiral ng mga holdover doon mula sa mga nakalipas na panunungkulan, some amount of respect and courtesy is highly expected of Mocha being the newest member.
Sa halip kasi na nag-ingay siya sa social media lambasting her peers and threatening to resign, mas maganda kung nakipagdayalogo muna si Mocha sa kanyang mga kasamahan. Hindi niya dapat ginawang sumbungan ang social media gayong mapaplantsa naman ang gusot kung sila-sila muna ng kanyang mga kapwa board member ang nagpulong-pulong.
At times, we have to stay quiet for a moment to allow us to reflect on certain issues. Sa aspetong ito tila nagpadalos-dalos si Mocha.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III