Monday , November 25 2024

NUJP nanawagan: pagpaslang kay Jun Pala imbestigahan

MAY dapat bang pagtalunan?!

Ilang mga katoto ang kahuntahan natin nitong Biyernes tungkol sa isyu na nais paimbestigahan ng National Union of the Journalists on the Philippines (NUJP) ang pagpaslang kay Jun Pala, ang hard-hitting commentator na nakabase sa Davao, na sinabi ng retiradong pulis na si Arthur Lascañas na ipinapaslang ni noo’y Davao mayor  at ngayon ay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Lahat sila ay sang-ayon na imbestigahan ang nasabing pamamaslang dahil ang isyu rito, may mamamahayag na pinaslang.

Wala naman sigurong personalan rito, maliban kung ito ay instigasyon ng ilang grupo na hindi matanggap na inilampaso sila ni Pangulong Duterte?

Sa isang banda, ito ay isang pagkakataon din para patunayan na walang Davao Death Squad (DDS), kung wala talaga.

At kung si dating mayor at ngayon ay Pangulong Digong ba o hindi ang nagpapaslang kay Pala?

Higit sa lahat, isa rin itong pagkakataon para sa mga mamamahayag na mapatunayang, pagkatapos ng Martial Law, ay mas maraming pinaslang na mamamahayag sa ilalim ng mga administrasyong sinasabing nagbabandila ng demokrasya — pero kupot ang  kalayaan sa pamamahayag.

O ‘di ba, napaka-ironic, na habang sinasabi nang marami na lumaya ang bansa sa kuko ng isang diktador ‘e saka naman naging dalawa-singko ang buhay ng mga mamamahayag, mula noong 1986 hanggang sa kasalukuyan?

At nakasama pa ang Filipinas sa talaan ng pinakamapanganib na lugar sa buong mundo para sa mga mamamahayag.

Kakaiba ‘yan — nagkaroon ng demokrasya — para iwasiwas ang ‘kalayaang’ pumaslang ng mga mamamahayag?

Sa ganang atin, kung talagang walang masasaling sa interes ng kasalukuyang administrasyon sa isyu ng pagpaslang kay Jun Pala,  bakit hindi hayaang imbestigahan?!

Ano sa tingin ninyo, Mr. Presidential Legal Adviser, Secretary Panelo?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *