Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko Melendez, favorite ni Direk Anthony Hernandez

MAYROON na namang pagsasamahang project sina Aiko Melendez at ang advocacy director na si Anthony Hernandez. Gagawin ni Aiko ang pelikulang New Generation Heroes para sa Golden Tiger Films.

Unang nagkasama ang dalawa sa pelikulang Tell Me Your Dreams, isang advocacy movie rin na bukod kay Aiko ay tinampukan din nina Perla Bautista at Raymond Cabral.

Ano ang tema ng bago mong movie at sino ang casts nito?

Sagot ni Direk Anthony, “Aside form Aiko, ang casts nito ay sina Anita Linda, Joyce Pilarsky at Jao Mapa. Kasama rin po rito sina Karen Reyes, Rob Sy, Alvin Nakasi, Alerra Montalla, at Debraliz Valasote.

Ito po ay tungkol sa kasaysayan four diferent teachers, may shooting po ito abroad with Ms. Aiko Melendez at may regular showing po ng September nationwide at sa abroad din particular in Europe.”

Bakit parang favorite mong artista ngayon si Aiko dahil second movie in a row mo na kasi ito sa kanya?

“Saludo ako sa galing ni Aiko, sobrang napahanga niya kasi ako sa Tell Me Your Dreams, bukod pa sa magaling siyang makisama, ang husay niya talagang umarte. Na kahit bundok iyong location namin at talagang mahirap ang biyahe, natulog siyang walang electric, wala akong narinig na reklamo sa kanya.

“Naniniwala ako sa sinabi niya na kapag gusto niya ang project gagawin niya kahit saan pa man ang location nito. Kaya rito sa bago niyang movie na New Generation Heroes, sa Korea naman ang location namin,” wika ni Direk Anthony na nagkakaroon na ng tatak bilang director ng mga makabuluhang pelikula.

ALAM MO NA – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …