UMANI ng pagkadesmaya kay Cesar Montano mula sa ilang netizens ang mga post ng kanyang anak na si Diego Loyzaga.
Pero iba ang take namin sa isyu.
Totoong tayo’y nabubuhay sa isang society, pero hindi pala lahat ng nasa lipunan ay maka-ina.
Isang klasikong halimbawa na nga si Diego sa kanyang kalapastanganan sa sariling ama. Bagamat mayroon siguro siyang pinaghuhugutan, must Diego take all of his grievances to social media para pagpiyestahan ng buong mundo?
Ipagpalagay na nating may katotohanan ang mga paratang ni Diego laban kay Cesar, sa wastong edad niya’y hindi ba niya naisip na sa kanya rin nag-backfire ang kanyang mga sinabi?
Diego has been with under the care of his mom Teresa Loyzaga, ano kaya ang naging partisipasyon nito sa asal ng anak, kung mayroon man? Basta na lang ba hinayaan ni Teresa na siraan ni Diego ang ama nito, and on social media pa mandin?
With mature minds involved in a strictly family issue, hindi ba maaaring inupuan na lang ito nina Cesar, Teresa, at Diego? Did Diego believe that by resorting to social media as his means to prove his point and Cesar’s guilt ay malulutas ang problema nilang mag-ama?
It’s disturbing how the millennials are using social media to vent their sentiments. Worse, sinamahan pa ito ni Diego ng pagbabanta na naglalayong wasakin ang reputasyon ng ama.
Ang dapat sana’y usaping pampamilya ay naging isang karnabal tuloy, one that is not supposedly for public consumption.
Personally, sa mga naging pahayag ni Diego ay walang iniwang masamang impression ‘yon sa amin of Cesar. Unang-una, matagal na ring pinag-uusapan ang ilan sa mga ‘yon, pinaksa na ‘yon sa ilang blind items na kulang na lang ay pangalanan.
Bagkus we are worried for Diego sa epekto nito sa kanya mismo, hindi lang ang kanyang pagiging isang anak kundi sa kanyang buong pagkatao.
Para sa mga Krisitiyano, maliwanag na paglabag na ‘yon ng isa sa Sampung Utos: Honor thy father.
At bali-baligtarin man natin ang matriarchal world na ito, si Cesar ay ama pa rin ni Diego gaano man ito kasama o kairesponsable bilang tatay niya.
Years from now, Diego will find himself in the same shoes. For sure, ipinangako na niya sa kanyang sarili na hindi niya susundan ang mga yapak ng tatay niya.
Huwag sanang matulad kay Diego ang kanyang magiging supling who will challenge him to a fist fight until he drops dead.
May kasabihang kung ano ang puno ay siyang bunga.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III