Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tulad ni Digong na may pusong bato

HALOS maglupasay at maglumuhod si Communist Party of the Philippines (CPP) chairman Jose Maria Sison pero hindi pa rin siya pinapansin ni President Rodrigo “Digong” Duterte sa kanyang pakiusap na bamalik sa negotiating table para sa usapang pangkapayapaan.

Matapos kasing ibasura ng NPA ang kanilang unilateral ceasefire, inakala ni Joma na maduduro niya si Digong, pero sa halip, ang hindi inaasahang pagbasura sa mismong peace talks ang isinagot sa kanila ng pangulo.

At ngayon, ang mga umaastang komunistang kongresista kabilang na ang mga legal front organization ng CPP ang mismong nananawagan at halos magmakaawa kay Digong na muling ituloy ang peace talks.

Pero hanggang ngayon wala pa ring tugon si Digong sa mga pagmamakaawa ni Joma na muling ituloy ang usapang pangkapayapaan. Parang may pusong bato si Digong dahil hindi niya pinakikinggan ang pagsusumamo ng mga dogmatikong komunista.

Maihahambing tuloy sa awiting Pusong Bato ang pagmamakaawa ni Joma… “Di mo alam dahil sa ‘yo/Ako’y di makakain/Di rin makatulog/ Buhat nang iyong lokohin/Kung ako ay muling iibig/ Sana’y di maging katulad mo/ Tulad mo na may pusong bato/Tulad mo na may pusong bato…”

Para kina Digong at Joma, Happy Valentines sa inyong dalawa!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …