Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris Lawrence, excited mag-perform sa concert ni Vice Ganda sa Big Dome

ISA ang award-winning singer na si Kris Lawrence sa guests ni Vice Ganda sa gaganaping concert nito sa Araneta Coliseum sa mismong Valentine’s Day, February 14. Pinamagatang Pusuan Mo Si Vice Ganda Sa Araneta, bukod kay Kris, ang iba pang guests dito ni Vice ay sina Maja Salvador, Awra Briguela, Daryl Ong, Michael Pangilinan, at Daniel Padilla.

Ayon kay Kris, magkahalo ang kanyang nararamdaman sa pagiging guest niya sa naturang concert. “Happy and excited and nervous,” nakangiting saad ni Kris.

Dagdag pa niya, “Yes, first time kong mag-guest sa concert ni Vice. It’s an honor na maging part ako ng concert niya na talagang laging tinatangkilik ng fans niya.”

Ano ang repertoire mo rito?

“Ang repertoire ko will be my OPM hit Kung Malaya Lang Ako and production number with Daryl Ong & Michael Pangilinan – a very big Bruno Mars hit.”

May production number ka ba with Vice? Ano ang masasabi mo sa kanya bilang artist/performer?

Sagot ng singer/composer, “At the moment wala po akong production number kasama si Vice.

“Sa next question mo naman, I think Vice Ganda is pure entertainment. I have the utmost respect for Vice as a person and as an artist.”

Inusisa rin namin kung ano pa ang ibang pinagkaka-abalakahan ni Kris.

“Heres my upcoming shows: Feb. 11, Pre-Valentine’s concert at Sta. Elena Country Club with JayR & Nicole Asencio; Feb. 12, Pre-Valentine’s concert at Enchanted Kingdom for MOR; then February 14 yung kay Vice Ganda, and February 25, post Valentine’s Soulbrothers concert sa Calgary, Canada with JayR.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …