Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Allona Amor, dream sundan ang yapak nina Jaclyn Jose at Sylvia Sanchez

“Hindi naman po ako naghahangad na maging bida ulit, kahit po support role o mga character role, okay lang sa akin. Kasi alam ko naman po na iba na yung panahon ngayon. Yung sa akin lang, maging ala-Jaclyn Jose or Sylvia Sanchez… Kasi po sila yung tinitingala ko, na minsan ay nagpa-sexy din pero ngayon ay kinikilala ang husay nila. Na sana someday maging ganoon din ako, tulad nina Jaclyn or Sylvia or Lorna Tolentino,” pahayag ni Allona sa aming panayam.

Ayon pa sa aktres, masaya siya sa kanyang pagbabalik-showbiz. Matapos manahimik ng ilang taon, aktibo nang muli ang aktres na dating nagbida sa maraming sexy/drama movies. After nang unang salang sa cameo role sa nagtapos na TV series na Oh My Mama, nasundan pa ito ng Hahamakin Ang Lahat na mula GMA-7 muli. “Parang mas focused ako ngayon, mas seryoso ngayon. Kasi noon bata pa e, parang ‘pag inii-interview ako, parang magulo pa ako sumagot, e. Ngayon po parang medyo nag-mature. Sabi ko nga, ngayon sa pangalawang pagkakataon, sabi ko kay Lord, ‘Hindi ko na po hahayang mawala itong ibinigay Ninyo sa aking opportunites and talagang iingatan ko.’

“Ang role ko po sa Hahamakin Ang Lahat, yaya ng baby at ngayon medyo mahaba po yung role. So okay naman po, mabait yung director, si Direk Don Michael Perez. Sobrang ang bait po nila, pati si Ms. Darling Pulido-Torres na EP doon at AP na si Ms. Mavic Tagbo.”

Anong masasabi mo sa bida sa Hahamakin Ang Lahat na sina Kristofer Martin at Joyce Ching? “Si Joyce, sobrang malambing siya. Pati si Kristofer napakalambing, parehas po sila, napaka-humble rin. Si Jhake Vargas ganoon din. Talagang nagbebeso sila. Napaka-humble, that’s why gusto ko yung attitude ng mga bata.”

Nabanggit din ni Allona na sumasailalim siya ngayon sa Enhancement Acting workshop sa aktres na si Ann Villegas. “Si Direk Ann po bale ay acting coach sa GMA-7, mayroon po siyang Light of Life Talent Management, Inc. Nag-join ako sa workshop para ma-update yung acting ko. Kasi nga matagal akong nawala at gusto ko pong bumalik ngayon. Naka-graduate naman po ako at ngayon ay nag-e-enchance po ako ng acting ko.”

Bukod sa pagbabalik-showbiz, may mga pinagkaka-abalahang business din si Allona. Plus, abala rin siya sa pag-aaruga sa mga anak na sina Nash at Alih, na ang una ay posibleng sumabak din sa showbiz very soon.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …