Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

JC Santos, aminadong first love ang teatro

AMINADO si  JC Santos na iba ang hatak sa kanya ng teatro. Katunayan, ito raw ang kanyang first love. Muling mapapanood si JC sa theater sa play na Buwan at Baril sa Eb Major. Sa panulat ni Chris Millado at direksiyon ni Andoy Ranay, ito ang unang handog ng Sugid Productions.

Ang play ay may limang eksena, Manggagawa at Magsasaka, ang Pari at Babaeng Itawis, ang Socialite, Asawa, at Police Officer at ang Estudyante, na magpapakita kung ano at paano naapektuhan ng Martial Law ang buhay ng iba’t ibang tao. Ang iba pang casts nito ay sina Cherry Pie Picache, Jackie Lou Blanco, Angeli Bayani, Ross Pesigan, Crispin Pineda, Danny Mandia, Reymund Domingo, at iba pa.

Kasama si JC sa part na Pari at Babaeng Itawis with Angeli Bayani. Ano ang role mo rito?

Sagot ni JC, “I will be playing bilang isang pari noong panahon ng evacuees at ipinagtatanggol ko po ang mga tribo ng Itawis na pinalalayas sa lugar nila.”

Nabanggit din ni JC na nahirap siyang mag-adjust sa pagbabalik-teatro. “From the theater to films and TV, hindi ba nakapakalaki ng transition? From acting with your body and acting with your eyes, and then going back to performance again, acting with your body and then playing it emotional and playing it in truthful way… So, napakahirap po ng proseso and so far, hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin siya eh, nahihirapan pa rin po ako. Siguro sa opening na lang ako makakabawi.

“Nasanay ako ng six months na nasa TV, nasa taping lang ako lagi at hindi ako lumalabas sa teatro. Sobrang laki kasi ng transition, sobrang laki, ibang-iba siya.”

Iyong follow up project mo after Till I Met You, masasabi mo bang kakaiba dahil balik-teatro ka at from gay ay pari ka naman dito? “Una sa lahat, siyempre ay first love ko po talaga ang theater. Siyempre work po ang TV at films, but at the same time, you are doing acting, eh. So, malaking bagay po yung ibinigay, ‘yung idea ng popularity. Ngayon po ay nakikita ng mga tao ang trabaho ko, na gusto ko talagang gawin and masaya po ako na puwede akong mag-reach out, using the popularity. So that I can reach out to the kids right now, para ma-inform sila, ma-educate sila, ma-affect sila…”

Challenging ba itong ginagawa mo ngayon? “Yes, challenging itong ginagawa ko ngayon, kasi… well challenging siya in the way na it’s a different character but it’s the same, truthfullness naman yung kailangan natin ibigay and mas complicated siya in a way, mas mahirap siya.”

Second time na raw niyang makakatrabaho si Angeli na sinabi rin ni JC na isang brilliant at napakagaling na aktres. “Second time na ito, iyong first was sa Lulu, sa Dulaang UP noong 2009. Dito ko rin unang nakatrabaho si Direk Andoy, pero as co-actor.”

Ang militanteng play na ito ay nagsimula na last January 26 at tatakbo hanggang February 12. Mapapanood ito sa Alfonso T. Yuchengco Auditorium of the Bantayog ng mga Bayani Center. Ang kompletong schedule ng mga pagtatanghal ay ang mga ss: January 26, 27, 28, 29 (3pm and 8 pm), February 2, 3, 4, 5, 9, 10, 11, 12 (3 pm and 8 pm). Magkakaroon din ng Special Gala sa February 3, 8 pm.. For ticket inquiries, please call or text Gian Viatka at 0917 845 6200.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …