Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Talunang politiko sa batangas nag-resign na sa MMDA

NAGHAIN na umano ng resignation letter si dating Batangas vice governor Mark Leviste sa Metropolitan  Manila Development Authority (MMDA).

‘Yan ay ayon mismo kay MMDA chair Tim Orbos.

Kasunod ‘yan nang ulanin ng batikos at puna ang pagpo-post niya sa social media ng kanyang activity sa EDSA bilang volunteer umano ng MMDA.

Bigla tuloy naalala ng netizens na wala pang isang taon nang matalo siya sa eleksiyon noong Mayo 2016 bilang gobernador ng Batangas.

May nagsabi pa, ang dating vice gov na si Mark at si MMDA chair Tim ay parehong taga-Liberal Party.

012717 MMDA mark leviste

E ano palang ginagawa nila sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte?

Kaya hayun, hindi na nagpabalat-kalabaw pa ang dating vice governor, agad siyang naghain ng resignation.

Mabuti naman!

Hindi tuloy natin alam kung talagang kaibigan ang turing ni MMDA Chair Orbos kay ex-vice gov Mark Leviste o sinadya niyang masunog talaga?!

Ikaw Chairman ha?!

Halos ilang buwan na lang naman, ex-vice gov Mark, sandali na lang ‘yan. Hintayin mo na lang matapos ang isang taon bago mo ambisyonin ang panunungkit ng puwesto.

Alalahanin mo ang kasabihan, ang naglalakad nang matulin, kung matinik ay malalim…

Better luck next time!

PARAÑAQUE AT PASAY CITIES
PUWEDE NAMAN SIGURONG
MAGDEKLARANG HOLIDAY NGAYON

080316 MISS UNIVERSE pia maxene

Marami ang tumawag sa atin kahapon, nagtatanong kung may pasok ba raw, lalo sa area ng Pasay at Parañaque dahil nga sa gaganaping Miss Universe 2016 Coronation sa MOA Arena.

Palagay natin, mas nararapat nga na nagkansela ng klase ang mga eskuwelahan sa Pasay at sa Parañaque, nang sa gayon ay lumuwag ang trapiko.

Ganoon din siguro sa iba’t ibang opisina, maliban sa local government units (LGU) at sa local police.

Anyway, hindi man nakapagdeklara ang Pasay at Parañaque, palagay natin ay maraming magulang ang magdedesisyon na huwag nang papasukin ang kanilang mga anak dahil tiyak na masikip ang trapiko ngayong araw.

Sa mga hindi puwedeng mag-absent, ‘e good luck po at ingat-ingat na lang.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *