Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jerene Tan, type makatrabaho sina Alden at Xian

TATLONG actor ang gustong makapareha ng isa sa bida sa pelikulang The Cresent Moon, si Jerene Tan, na  palabas na sa kasalukuyan, ito ay sina Matteo Guidicelli, Xian Lim, at Alden Richards.

Ayon kay Jerene, “Si Matteo gusto ko uli makasama kasi kilala ko na siya, mahusay katrabaho at mabait.

“Si Xian, kasi kaunti lang sa industry ‘yung Chinese looking, tapos ‘yung pagka-Chinese niya macho ‘yung dating at magaling din siyang umarte.

“Si Alden,, if puwede kaya lang baka patayin ako ng mga Maine Mendoza fan, ha ha ha. Actually may nagtanong niyan sa akin, if okey daw na maka-love triangle ako nina Maine at Alden.

“Sabi ko noong una okey lang kasi malaking karangalan ang makatrabaho sila kaya lang baka patayin ako ng kanilang fans.

“Takot kasi ako ma-bash pero sabi nga sa akin, deadma na lang ‘wag na lang patulan para ‘di na lumaki.

“Siguro ‘wag lang ‘yung imbento o below the belt. Siguro deadmahin ko na lang o ‘di ko na lang babasahin para less hurt,”  sambit pa ni Jerene.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …