NGAYONG araw ay opisyal na nagsisimula ang Year of the Rooster batay sa Chinese lunar candelar.
Sa pagpasok ng Year of the Rooster, hangad natin na masambot ng bawat isa sa atin ang kasipagan ng Tandang.
‘Yun bang, pagtilaok ng Tandang sa alas tres ng madaling araw, ay gumising na para maghanda sa haharaping araw.
Sabi nga, daig nang maagap ang masipag.
At ganyan ang nangyari sa ating bansa. Marami ngang masisipag na Pinoy pero laging kapos sa timing.
Kaya kadalasan, bumabagsak sa isa pang nakatatakot na katangian ng manok ang ekonomiya ng bansa, isang kahig, isang tuka.
Sabi ng ilang mahuhusay na tagapayo, narito ang mabubuting katangian na kailangan taglayin para makamit ang tagumpay sa taong 2017.
Pagtitimpi (Patience). Ibig sabihin hindi dapat padalos-dalos.

Maging alerto (Be alert). Puwedeng nagtitimpi pero huwag kalimutang maging mapagmatyag sa mga nangyayari sa paligid.
Pagsisikap (Effort). Siyempre hindi dapat nawawala ‘yan. Kailangan talaga laging nagsisikap.
Balanse (Balance). Sabi nga, hindi kulang pero hindi naman labis. Dapat sapat lang. Sapagkat ang kalabisan ng isa ay posibleng kakulangan ng marami.
Sipag (Hardwork). Kahit na dinadaig ng agap, hindi pa rin dapat nawawala ang katangiang ito — ang pagiging masipag.
Tiyaga (Perseverance). Kung mapagtimpi na, matiyaga pa, sino pa ang puwedeng tumalo?
Alab ng Damdamin (Passion). Kung lahat iyan ay mayroon na, kailangang ipakita ang pasyon sa ginagawa upang lubusang maging matagumpay.
Hinahon (Serenity). Kahit nag-uumapaw ang alab ng damdamin huwag kalilimutan na kailangang nakabantay ang hinahon.
Sa inyong lahat, Gong Xi Fa Cai!
BAGONG MUNTINLUPA CITY
POLICE STATION HQ SA LAGUERTA,
TUNASAN PINURI NI NCRPO CHIEF
PDIR OSCAR DAVID ALBAYALDE

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com