Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cherry Pie Picache, isa sa tampok sa play na Buwan at Baril sa Eb Major

EXCITED si Cherry Pie Picache sa kanyang bagong proyekto, ang Buwan at Baril sa Eb  Major. Hudyat kasi ito ng kanyang pagbabalik sa teatro, after more than ten years. Mula sa panulat ni Chris Millado at sa direksiyon ni Andoy Ranay, ito ang unang handog ng Sugid Productions.

Ang militanteng stage play na ito na unang ipinalabas sa PETA noong 1985 ay nagsimula na last January 26-February 12. Mapapanood ito sa Ambassador Alfonso T. Yuchengco Auditorium of the Bantayog ng mga Bayani Center.

Si Cherry Pie ay gumaganap dito bilang asawa na kinukuha ang bangkay ng pinaslang niyang rebeldeng mister. Paano niya ide-describe ang play na ito?

Sagot ng award-winning aktres, “Maganda siya, unang-una I’m excited kasi bumalik ulit ako sa paggawa ng play. Kasi ang tagal-tagal kong gumagawa ng mga pelikula, ng mga TV shows, so I’m back doing the play. It’s a whole new process, it’s a whole new challenge sa craft ko, masaya ako roon. Pangalawa, I’m thankful na sa ganitong proyekto ako napasali, kasi makabuluhan siya. Katulad ng sinabi namin kanina di ba, in my own little way I would like to bring the… kasi tumatanda ka na, I mean the value. I’ve been in the industry for a long time, so you would want to bring some sense into the work that you’re doing, in my own little way.

“Sa palagay ko, eto yung paraaan to remind people, na ayun nga, yung democracy na ine-enjoy natin ngayon, yung freedom, especially with all these happenings, wala naman, hindi naman kailangan na kampi-kampi, di ba? Hindi ka naman for ganito, for ganyan, di ba? It’s just that you’re concerned as a citizen for the society, di ba na you want to enjoy the freedom that you have, you want to enjoy the democracy that you have, you want to give importance to human rights, to the lives of people, di ba?

“Kaya masaya ako, masaya ako na nakapag-play na nga ako ulit, fter more than a decade.”

Ayon naman kay Direk Andoy, ito ay may limang eksena, Manggagawa at Magsasaka, ang Pari at Babaeng Itawis, ang Socialite, Asawa, at Police Officer at ang Estudyante, na magpapakita kung ano at paano naapektuhan ng Martial Law ang buhay ng iba’t ibang tao.

“Siguro may pagkakahawig sa mga nangyayari 30 years ago sa mga nangyayari ngayon. Gusto sana namin maging relevant. Ito kasing play na ito, sabi nga ni Chris Millado, noong sinulat niya ito noong 1984, after nilang ipinalabas, sabi niya sa sarili niya na sana hindi na ito maipalabas ulit. Pero 30 years after, ipapalabas ulit. So bakit kaya?” Wika pa ni Direk Andoy.

Ang iba pang casts nito ay sina JC Santos, Jackie Lou Blanco, Angeli Bayani, Ross Pesigan, Crispin Pineda, Danny Mandia, Reymund Domingo, at iba pa.

Ang kompletong schedule ng mga pagtatanghal ay ang mga ss: January 26, 27, 28, 29 (3pm and 8 pm), February 2, 3, 4, 5, 9, 10, 11, 12 (3 pm and 8 pm). Magkakaroon din ng Special Gala sa February 3, 8 pm.. Ang pondong malilikom sa mga pagtatanghal ay gagamitin para dalhin ang play na ito sa kolehiyo, pamantasan, at local government units sa Metro Manila at mga lalawigan.  For ticket inquiries, please call or text Gian Viatka at 0917 845 6200.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …