Saturday , November 23 2024
ombudsman

Barangay na may illegal terminal sasampahan ng kaso sa Ombudsman

Naaalala pa kaya ng mga kinauukulan ang Republic Act 9146 o ang Land Transportation and Traffic Code?

Sa Section 52 Article V ng code na ito, ipinagbabawal ang “Driving or parking on sidewalk. —No person shall drive or park a motor vehicle upon or along any sidewalk, path or alley not intended for vehicular traffic or parking.”

Sa biglang pagdami ng sasakyan sa buong bansa lalo sa urban areas sa Luzon, Visayas at Mindanao, nakikita natin sa araw-araw ang naghambalang na sasakyan sa kalye, eskinita at ilang bakanteng lote. Pero ang higit na nakaiinis, ‘yung mga kalsada na ginagastuan nang milyon-milyon ng gobyerno pero ginagawa lang parking area ng mahihilig sa sasakyan pero walang parking area.

Ganoon din ang mga plaza at liwasan na ginagastusan at inaalagaan para pagandahin pero ginagawang paradahan ng mga kolorum na van, UV express at provincial buses.

Kung magiging seryoso si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Tim Orbos, ang pagpapatupad ng Land Transportation and Traffic Code o Republic Act 9146 ay malaking tulong para maibsan ang buhol-buhol na trapiko at para lumuwag din ang kalsada.

Pero kailangan muna ng alternatibong solusyon kung saan mapupunta ang mga sasakyan na tatanggalin sa kalsada.

May ilan tayong suhestiyon lang, Chairman Tim. Ang Divisoria o Binondo area ay puwedeng gawing trike o padyak city.

Ibig sabihin walang bibiyaheng mga jeep, private cars at iba pang kauri.

Puwedeng magtayo ng parking building o collapsible parking area gaya sa Greenhills.

Kikita na ang barangay, kikita pa ang trike at padyak. Hindi na rin makapag-o-overprice dahil sila na lang nga ang mode of transportation sa Divisoria at Binondo.

Ang Intramuros naman ay puwedeng gawing caleza city, e-jeep o e-trike, o trike at pedicab mismo. At ganoon din ang sistema, kailangan magkaroon ng parking area para sa parking ng mga sasakyan.

Hindi gaya ngayon, na ang kumikita ay ilang indibiduwal at tiwaling barangay officials na nagmamantina ng illegal parking.

Alam nating hindi ganoon kadali ang pagpapatupad niyan, pero kung uumpisahan puwedeng magkaroon ng katuparan sa hinaharap.

Pero hindi rin matagumpay na maipapatupad ‘yan kung hindi magiging matapang si Chairman Tim Orbos para ireklamo ang mga barangay officials na pinagkakakitaan ang mga pampublikong lugar na dapat sana ay lugar pasyalan ng ating mga kababayan.

Chairman Tim, baka gusto mong sampolan ang napakalaking plaza sa Ermita na ginagawang illegal terminal ng mga colorum na van, UV express at provincial buses?!

Marami nang sumalok ng kuwarta Riyan!

Panahon na siguro para tuldukan.

Wanna try, Chairman Tim?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *