Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagpoprodyus ng Golden Lions Films, tuloy pa rin

HINDI ngayon at pumanaw na ang matriarch ng Golden Lions Films na si Tita Donna Villa ay titigil na sa operasyon ang produksiyon.

Dekada ’90 nang talaga namang on top of the game ang production outfit ng mag-asawang direk Caro J. Caparas at Tita Donna.

Among others, ito ang nasa likod ng ilang massacre movies na siyang nagluklok kay Kris Aquino bilang Massacre Queen (na for a change ay gumawa ng Tasya Fantasya sa hiling na rin ng mga kaanak ng noo’y Presidential daughter na si Kris), ang film version ng kuwento ng gang rape victim na si Maggie dela Riva, at iba pa.

Ang pinakahuling ipinalabas na pelikula nito’y ang remake ng Angela Markado, pero in the can na ang matagal nang tapos na Miracles are Forever na isang trilogy.

Namaalam na nga sa industriya ng pelikula ang mabait na lady producer, pero bago ang kanyang pagyao ay inihabilin niya ang ilang mga proyekto ng Golden Lions Films kay Gng. Baby Villalon, kamag-aral niya noon pang elementarya in her home province (Cebu).

Katuwang din siyempre sa pagtutok ng operations ng nasabing film outfit si Tita Nene Mercado, ang approachable at ma-PR na supervising producer nito.

Opo, naisaayos ni Tita Donna ang kanyang mga mahahalagang gawain before she breathed her last. Tuloy ang pagpoprodyus ng Golden Lions Films. Tuloy ang pagbibigay nito ng mga trabaho sa manggagawa ng pelikulang Filipino.

Tuloy ang “bangis” ng ginintuang leon sa paghahain ng mga makabuluhang panoorin, na siyang iniwang legacy ng nag-iisang Tita Donna Villa.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …