Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ysabel Ortega, kasali na sa Funny Ka Pare Ko, may endorsement pa!

NATUWA kami nang napanood si Ysabel Ortega na may commercial na sa TV. Actually, hindi naman kataka-taka ito dahil bukod sa talented, maganda ang alagang ito ni Katotong Ogie Diaz. Pero bukod pa sa commercial, bahagi na rin ngayon ng sitcom na Funny Ka Pare Ko na napapanood sa Cine Mo!.

Nag-iwan kami ng message kay Ysabel sa Facebook upang usisain kung ano ang papel niya sa sitcom nina Bayani Agbayani at Karla Estrada. Ang sagot niya sa amin, “Ako po ay gaganap na Barbie po, a student na kasama sa story ng anak nila Tita Karla and Tito Bayani.”

Dahil sa mga drama nalinya, game ka na rin bang mag-comedy? “Super game po ako to try new things and new fields when it comes to acting. I love doing drama roles and I’m also beginning to love my role here in Funny Ka Pare Ko, kasi never pa po ako nag-comedy talaga before.”

Nabanggit din ni Ysabel na sobrang saya niya sa pagkakaroon ng endorsement. “Sobrang grateful po ako na I became part of the Palmolive family and super special po sa akin ito because very first endorsement deal ko po ito. So, talagang nagpapasalamat ako sa pagkakataon na ibinigay po sa akin.”

Ngayong araw (January 25) ay 18th birthday ni Ysabel, ano ang kanyang birthday wish? “Thank you po sa pagbati! Ang birthday wish ko po ay good health lang po and more blessings to come sa career and sa family ko  .”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …