Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Meg, lie low na raw sa pagpapa-sexy

TILA ayaw nang magbuyangyang ng kanyang kaseksihan si Meg Imperial. Sa latest kasi niyang movie na Swipe under Viva Films, Allud Entertainment, at Ledge Filims, iginiit niyang lie low na siya sa pagpapa-sexy.

“Wala naman akong ipinakitang anything (in the past), hanggang doon lang ako sa ano, as long as—lagi kong sinasabi– may lalim ‘yung story ng film, and kailangan naman talaga, hindi naman ‘yung basta ‘magpa-sexy ka riyan para lang ma-attract ‘yung tao’, no. Kinailagan talaga roon sa story so why not do it naman kung para sa story,” ani Meg sa presscon ng Swipe kahapon.

May mga daring scene pa rin naman siya sa Swipe pero nagpapasalamat  siya sa production na naprotektahan siya sa mga eksena. “Kung saan lang ‘yung restriction ko or kung hanggang saan lang ‘yung kaya ko, ‘yun lang naman. And very supportive si Alex (Medina) as a partner.”

Ang Swipe ay tumatalakay sa ‘dating application’ online at ginagampanan ni Meg ang papel na recovering drug addict na asawa ni Edward (Alex).

Sa kabilang banda, tatlong pelikula na ang natapos niya. Itong Swipe at ang dalawa pa ay ang Higanti at Kamandag ng Droga na pinamahalaan ni Direk Carlo Caparas.

Nang matanong si Meg ukol sa kanyang lovelife, sinabi nitong wala raw siyang boyfriend ngayon.

Palabas na ang Swipe sa Feb. 1 na idinirehe ni Ed Lejano. Kasama rin sa pelikula sina Luis Alandy, Maria Isabel Lopez, Gabby Eigenmann, at Mercedes Cabral.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …