Friday , November 15 2024

Pamamaslang sa Korean pampagising

ANG brutal na pagkakapaslang sa isang ne-gosyanteng Korean sa loob ng Philippine National Police (PNP) headquarters sa Camp Crame ay magsilbi sa-nang pampagising sa hepe ng pulisya na si Director-General Ronald “Bato” dela Rosa.

Dinukot ng mga pulis si Jee Ick Joo mula sa kanyang tahanan sa Angeles City noong Oktubre sa pagkukunwaring iniimbestigahan siya sa droga at pinaslang sa loob ng Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) headquarters sa Camp Crame, pero noong isang linggo lang natuklasan ang krimen.

Ayon sa pagsisiyasat ng Department of Justice ay sinakal ang dayuhan hanggang mamatay bago ipasunog sa crematorium ng Caloocan City.

Idinetalye ni SPO4 Roy Villegas, isa sa mga suspek, kung paano sila inutusan ng mastermind umano na si SPO3 Ricky Sta. Isabel na ba-lutan ng packaging tape ang ulo ng Korean.

Nakita raw ni Villegas na sinakal at pinatay ni Sta. Isabel ang dayuhan. Sa kabila nito ay nagawa pa niyang humingi ng ransom sa pamilya ng biktima.

Pero ayon kay Sta. Isabel ay sinunod lang niya ang utos ng kanyang opisyal na si Superintendent Rafael Dumlao III na patayin ang Koreano. Na-relieve sa puwesto si Dumlao at isinailalim sa restrictive custody dahil sa pagkakadawit sa krimen.

Mapupuna na ang paglalarawan ni Villegas sa ilang bahagi ng krimen ay walang pinagkaiba sa mga natatagpuang bangkay na biktima ng salvage. Makadaragdag pa ito sa hinala na mga pulis ang nasa likod ng extrajudicial killings.

Bakit nangyayari ang karumal-dumal na krimen na tulad nito? Pulis pa na umaabuso sa kampanya sa droga ang may gawa. Sa halip na tumaas ang respeto at lumakas ang tiwala sa pulisya ay nalalagay sa alanganin. Nagkakaroon din ng pagdududa sa legalidad ng kanilang police operations.

Dapat panagutin ni Dela Rosa ang mga nagkasala. Kailangang  salain  din  ang  PNP upang matiyak na hindi ito mauulit.

Hindi ba’t noong isang taon ay naging kontrobersiyal ang pagkakapatay ng mga pulis sa pamumuno ni Supt. Marvin Marcos kay Albuera Mayor Roland Espinosa Sr., sa loob mismo ng kanyang selda?

Kahit “rubout” ang lumabas sa pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation sa kaganapan ay mismong si President Duterte ang dumepensa kay Marcos.

Paano natin aasahan na magtitiwala ang mga mamamayan sa pulis kung sila mismo ang sumi-sira sa pangalan ng kanilang organisasyon.

Maliwanag na magdudulot ito ng panibagong batik sa ugnayan natin sa ibang bansa. Mangangamba rin sa kanilang kaligtasan ang mga dayuhan, lalo na ang mahigit 90,000 Koreans na naninirahan sa Filipinas.

Nakikiisa ako sa hangarin ni Duterte na da-pat walisin ang krimen upang tuluyang malinis ang lipunan. Pero hindi natin ito maisasakatuparan kung mawawala ang tiwala ng mga mamamayan sa mga alagad ng batas na dapat magpatupad nito.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *